Dalaginding ang binatingting



Nagbabala ang Philippine National Police (PNP) na maaaring arestuhin ang mga indibidwal na magsusunog ng effigy sa…

Anim na kabataan ang dinakip ng awtoridad matapos mag-vandalize sa gilid ng Meralco substation sa Tandang Sora, Quezon…

Sa isang emosyonal na post sa Tiktok, binalikan ng Filipino-French partner ni Nadine Lustre na si Christophe Bariou ang…

Wasak na wasak ang mga barakong totoo, isama na rin natin ang mga ipinanganak na babae na nagnanasa, nagmamahal, at…

Malugod na inanunsyo ni Senador Bam Aquino ang pagsasabatas ng Republic Act No. 12321 o ang Last Mile and…
Kalaboso ang isang dating sundalo matapos na mahuli sa akto na kinakalikot ang isang dalagita sa Brgy. Gucab, Echague, Isabela, noong Sabado.
Sa ulat ni PCol. Julio Go, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office, kinilala ang suspek na si Delfin Pascua (76). Hindi na naman pinangalanan ang biktimang 14 anyos.
Nakatanggap umano ng tawag ang IPPO mula sa kapitan ng Brgy. Gucab na naaktuhan umano ng kanyang mga tanod ang suspek na pinagsasamantalahan nito ang biktima.
Iyak umano nang iyak ang biktima habang ginagawan ng malaswa ng matanda sa ilalim ng puno ng mangga na nasa kalagitnaan ng isang maisan sa lugar.
Mabilis na dinakip ang suspek na ngayon ay nasa kustodiya ng nasabing istayon at nahaharap sa kasong Alleged Rape by Sexual Assault in Relation to RA 11648.
Nasa pangangalaga naman ng Municipal Social Welfare Development ang biktima upang sumailalim sa medico legal examination sa Municipal Health Office.