
Boying Remulla | Facebook
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Inihayag ni Department of Justice (DoJ) Secretary Jesus Crispin Remulla na ayaw na niyang patulan pa ang mga ibinabatong alegasyon laban sa kanya ng suspending Bureau of Corrections chief na si Gerald Bantag kaugnay sa kaso ng pagpatay sa radio broadcaster na si Percival Mabasa o mas kilala bilang si Percy Lapid.
Sa isang mensahe, sinabi ni Remulla na dapat ay magpakalalaki si Bantag at harapin na lang ang mga reklamong inihain ng PNP at NBI laban sa kanya.
Kung matatandaan, nanawagan si Bantag na magbitiw na si Remulla bilang kalihim ng Justice Department dahil sa umano'y pakikialam sa imbestigasyon sa pagpatay sa radio broadcaster.
Wala ring komento ang kalihim sa pag-kuwestiyon ni Bantag sa kanyang kredibilidad para pamunuan pa ang DoJ.
"Just face the charges like a man. No comment," sagot ni Remulla.
Una nang hinamon ni Bantag si Remulla na bumaba na sa DoJ dahil sa umano'y kawalan nito ng kredebilidad at umano'y pag-konsisyon sa isipan ng publiko na siya ang nasa likod ng pagpatay kay Lapid.
Nasa Geneva Switzerland si Remulla para sa Universal Periodic Review ng United Nations Human Rights Committee sa sitwasyon ng karapatang pantao sa Pilipinas.
Nitong nakaraan, naghihintay na ng subpoena ang kampo ni Bantag at handa siyang harapin ang mga posibleng kasong isampa sa kaniya, ayon sa abogado nito.
"We would like to announce that he will be participating, he will be cooperating in this case para malinis ang kaniyang pangalan. Gustong-gusto niya po na matanggap na sana 'yung complaint against him," sabi ni Rocky Balisong, abogado ni Bantag.
"Whether criminal or administrative haharapin na lahat para once and for all malinisan at malaman natin ang buong katotohanan," dagdag niya.
Itinuturing na isa sa mga "person of interest" si Bantag sa kaso ng pagpatay sa brodkaster at ayon kay Balisong, wala pa ring subpoenang lumalabas para kay Bantag, taliwas sa mga usapang mayroon nang inihain sa kaniyang kliyente.
"Sad to say na kahapon ay pumunta ako sa DOJ wala pa pala 'yung subpoena. Taliwas doon sa lumalabas sa mga news na may nag-serve daw sa last known address niya at walang taong magre-receive doon, minabuti po namin na pumunta na lang ako kahapon sa DoJ, wala pa pala 'yung subpoena nasa panel of prosecutors pa lang 'yung complaint," sabi ni Balisong.
"At pag naibaba po 'yon sa records section doon nila idi-dispatch 'yung subpoena para sa kliyente namin."
Naghihintay sila ng subpoena para mapag-aralan ang mga alegasyon saka maghahain ng counter-affidavit, sabi ng abogado ni Bantag at itinanggi rin na nagtatago ang suspendidong BuCor chief.
"There is no reason for him to hide. Kasi gusto niya ring harapin 'yung kasong ito at wala pa naman siyang warrant of arrest ang finile pa lang naman is accusation," saad ni Balisong.

Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

Noong Miyerkules, tinupad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang hangarin na makasama sa pamamahala ng gobyerno…