
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Nagpatupad na ng ceasefire sa pagitan ng mga militar at Moro Islamic Liberation Front matapos ang sagupaang naganap sa Ungkaya Pukan, Basilan nitong nakaraan, subalit nakaalerto pa rin ang mga sundalo at mga miyembro ng MILF na ilang metro lamang ang layo sa isa't isa.
Nitong Huwebes ipinatupad ang tigil-putukan matapos pumagitna ang Joint Coordinating Committees on the Cessation of Hostilities (CCCH) at pinirmahan ng magkabilang panig ang ceasefire agreement.
Kung matatandaan, Setyembre nitong taon nang pakiusapan ng militar ang 114th Base Command ng MILF Bangsamoro Islamic Armed Forces (BIAF) sa Ulitan, sa pamumuno ni Commander Huram Malangka, na lisanin muna ang kanilang komunidad dahil may nagtatago umanong "lawless elements" sa lugar.
Matapos ang isang buwan, pinabalik na ang ilan sa mga pamilya ng MILF pero hindi si Commander Huram at mga armadong tauhan nito.
Ayon kay Ungkaya Pukan Mayor Jomar Maturan, may nagpaputok ng baril matapos makausap ng mga awtoridad si Malangka kaya dito nagsimula ang gulo.
Habang patuloy ang resupply ng militar, nag-reinforce din ang MILF mula sa ibang mga kampo sa kanilang kasamahan sa Ulitan.
Tatlo ang patay habang 15 ang sugatan sa panig ng militar, habang 8 naman ang nasawi sa MILF.
Miscommunication at problema sa koordinasyon umano ang naging sanhi ng madugong bakbakan.
"Ang gusto po namin may coordination. 'Yung gusto ng 64th Infantry Batallion at 18th IB na mag clearing para masatisfy nila 'yung gusto nila na may lawless elements dito, gusto namin may black and white galing sa CCCH," ani Rajan Abdurakman, deputy commander ng MILF 114th Base Command Guerilla Front.
Pinalala pa ang sitwasyon ng mga nagkalat umano ng disinformation.
Nagalit ang MILF sa impormasyong nagkatay ng baboy ang mga sundalo sa kanilang Madrasah, bagay na itinanggi ng militar, habang may ulat naman na kinuha umano ng MILF ang isang tangke ng militar at pinugutan umano ang apat na sundalo. Itinanggi naman ito ng MILF.
Sa gitna ng bakbakan, mahigit 1,800 pamilya mula sa anim na barangay ang apektado at ngayo'y nakikitira sa kani-kanilang kamag-anak.

Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

Noong Miyerkules, tinupad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang hangarin na makasama sa pamamahala ng gobyerno…