Andrea Torres, na-touch



Nagsimula nang maipatupad nitong Sabado ang unang bahagi ng P85 dagdag sa pang-araw-araw na sahod ng mga manggagawa sa…

Inilagay na sa high alert ang Southern China habang nasa 340 000 na ang inilikas dahil sa Bagyong Noul (dating Kiyapo).

Umani ng batikos ngayon si Unkabogable Star Vice Ganda matapos ang kanilang skit na "Memerimar" sa show na It's…

Inanunsyo ni LeBron James na tutungo siya sa Philadelphia para sa huling yugto ng kanyang dawamput-apat na taon sa…

Napagkamalang may dalang ilegal na droga ang isang 17-anyos na Grade 9 student sa Bacolod City matapos makitaan ng…
Talagang naantig ang puso ng aktres na si Andrea Torres dahil sa mga papuring nakukuha niya sa pagganap niya bilang si Sisa sa GMA historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra.
Sa kanyang pagganap nang tuluyan na siyang mabaliw dahil nawawala na ang kanyang mga anak, trending ang dalaga lalo na noong bitawan ni Andrea ang iconic lines ni Sisa mula sa novela na Noli Me Tangere ni Dr. Jose Rizal.
"Mahal kayo ng nanay. Anak ko. Crispin! Basilio! Nasaan na kayo? Hindi ko kaya."
Kinabukasan, dumagsa sa Twitter ang mga papuri ng netizens sa pinakitang husay ni Andrea bilang si Sisa. Kaya nanatiling trending ang hashtag na #MCIKumpisal
Ayon sa Twitter user na si @Binibini_Marik8: "Crispin, Basilio, mga anak ko!" I will never think about Sisa without thinking about @andreaetorres great execution and portrayal. I am beyond amazed on how talented this woman really is. #MCIKumpisal"
Nabasa at natuwa si Andrea sa mga positive feedback sa kanyang performance as Sisa. Kaya nagpasalamat siya sa mga papuring natanggap niya mula sa mga netizens sa Twitter.
Tweet ni Andrea: "Ay grabe sasabog ang puso ko. Sobra kong naappreciate. Lalo na pag sinasabi niyo na di na lang basta baliw si Sisa sa paningin niyo. That's the best."