

Aminado ang aktres na si Yassi Pressman na nagdalawang-isip siya na tanggapin ang offer na maging calendar girls siya para sa susunod na taon ng isang beverage company pero nitong nakaraan lamang ay opisyal nang ipinakilala ang Filipino-British actress bilang calendar girl ng Ginebra San Miguel for 2023.
S'ya ang pumalit sa actress and social media influencer na si Chie Filomeno na naging calendar girl para sa kasalukuyang taon.
Pag-amin ni Yassi during the calendar launch event, naging hesitant pa raw s'ya noong umpisa bago tanggapin ang offer na maging calendar girl.
"I really wasn't prepared din po talaga, I think, physically. That's number one," saad niya.
Nasa bakasyon daw kasi s'ya that time nang matanggap ang offer at meron lang s'yang dalawang linggong preparation bago ang kanilang photoshoot.
Bukod pa doon, magaganda at sexy din ang A-lister celebrities na naging calendar girls in the past kaya naman dagdag pressure din daw 'yon for her.
"I was on vacation tapos kailangan kong bumalik. And then, kailangan in two weeks I'd be ready on this calendar with millions of copies," sabi ng dalaga. "So the pressure was there and I know a lot of people din who came before me were almost perfect, right?"
Kabilang na nga rito sina Marian Rivera na naging calendar girl noong 2009 at 2014, Anne Curtis noong 2011, Solenn Heussaff way back 2012, Kim Domingo noong taong 2017, Pia Wurtzbach noong 2019, Sanya Lopez nitong nakalipas na 2020, at si Chie Filomeno nga for this year.
Ganu'n pa man, s'ya daw mismo ang nag-encourage sa kanyang sarili para palakasin ang kanyang loob.