
Inamin ng aktres na si Ritz Azul na simula nang mag-asawa siya ay nag-desisyon na siyang mas mag-focus muna sa kanyang married life dahil nag-a-adjust pa rin daw siya.
Pero ayon din sa kanya, choice niya ang paglie-low sa showbiz.
"Kung ano po ang dumating na offer, na project, p'wede ko namang tanggihan at p'wede ko rin naman pong tanggapin," sabi ng aktres at dagdag niya, kahit hindi siya ganoon ka-active ay hindi daw niya tinatalikuran ang pag-arte.
She also doesn't mind kung bida siya o hindi sa isang proyekto. basta raw at gusto niya ang role ay tatanggapin niya.
"Ako po kasi, nandito po ako sa industriya bilang artista. Hindi po ako pumipili ng bida, hindi bida. Lahat po yan, gusto ko po talagang ma-experience. Na-suwertihan lang po ako na nag-umpisa akong pumasok sa pag-aartista, lead role po agad ang mga naibigay. Ngayon, masaya po ako na nakatatanggap po ako ng supporting roles. Dito naman po sa industriya natin, hindi naman po do'n ang basehan. Sabi nga po nila, ang basehan ng pagiging artista ay ang longevity po. Passion ko pong talaga ang pag-acting," patuloy niya. "Hindi ko po tinitingnan kung bida, supporting yan. Basta may role, may character akong gagampanan, masayang-masaya po ako dahil nami-miss ko pong talaga ang pag-acting. Lalo na kung maganda ang intention ng pelikula, bakit natin tatanggihan?" saad ni Ritz.
Freelancer na raw ang status niya ngayon dahil nag-expire na ang management contract niya sa Star magic ng ABS-CBN.
"Matagal na po…bago pa po yata ang pandemic, medyo nag-usap-usap na po kami. Wala na po ako sa Star Magic no'n, pero ni-retain ko po ang handler ko. Freelancer po ako ngayon dahil 'yon nga po, ilan-ilan lang din po ang pinipili kong projects dahil nagpo-focus din po ako sa personal life ko," sabi niya.
Dagdag pa ni Ritz, okay rin naman daw palang maging freelancer at mag-lie low nang saglit.
"Masaya po ako ngayon sa buhay ko. Dati po, hirap po ako sa schedule ko dahil sobrang focused ako sa career ko. Everyday taping, walang pahinga. Pero ngayon, ang sarap din pala na hawak mo ang sarili mong schedule. Ngayon ko lang din po na-experience 'to na more than 10 years ako sa industry. Gagawin ko ang gusto kong gawin, 'yung mga gano'ng bagay po. Nag-e-enjoy po ako ngayon kaya medyo lumaki po ako. Masaya po ako ngayon," natatawang dagdag pa ni Ritz na ang tinutukoy ay ang nadagdag niyang timbang.