Hindi dapat ikalungkot



Nagsimula nang maipatupad nitong Sabado ang unang bahagi ng P85 dagdag sa pang-araw-araw na sahod ng mga manggagawa sa…

Inilagay na sa high alert ang Southern China habang nasa 340 000 na ang inilikas dahil sa Bagyong Noul (dating Kiyapo).

Umani ng batikos ngayon si Unkabogable Star Vice Ganda matapos ang kanilang skit na "Memerimar" sa show na It's…

Inanunsyo ni LeBron James na tutungo siya sa Philadelphia para sa huling yugto ng kanyang dawamput-apat na taon sa…

Napagkamalang may dalang ilegal na droga ang isang 17-anyos na Grade 9 student sa Bacolod City matapos makitaan ng…
Inanunsyo ng pamunuan ng Quiapo Church na kanseladong mula ang Traslacion sa ikatlong sunod na taon upang maiwasan umano ang pagkalat ng coronavirus disease na nakakapagtala na naman ng ilang mga pagtaas sa kaso nitong nakaraan.
Sinabi ng simbahan na iniiwasan lamang nila na maging isang super-spreader event ang Traslacion at kaagad na humingi nang pang-unawa ang mga ito sa mga deboto.
Nitong Biyernes ng alas 3 ng umaga, isinakay sa truck ang replika ng Itim na Nazareno para ibiyahe papunta sa isang simabahan sa Nueva Ecija at doon ito manatili ng isang linggo.
Ang Traslacion ay ang tanyag na prusisyon kung saan dinadala ang imahe ng Itim na Nazareno sa Quirino Grandstand na parang dinadala ng alon ng dagat na milyon-milyong mga deboto pabalik sa simbahan ng Quiapo, Maynila.
Bago ang pandemya, ginaganap ito taun-taon tuwing January 9.
Ayon sa attached priest ng Quiapo Church na si Rev. Fr. Earl Allyson Valdez, bagama't wala pa ring tradisyonal na prusisyon, tuloy pa rin naman ang pagbibigay pugay sa itim na Nazareno sa Quirino Grandstand, panggabing programa, misa ng kapistahan, at iba pang nakagawiang aktibidad kaugnay dito.
Ipinaalala din ng simbahan na may iba pang paraan para maipakita ang debosyon hindi lamang sa prusisyon.
Sa ganang amin, hindi naman dapat ikalungkot kung kanseladong muli ang Traslacion.
Mas mahalaga pa rin ang kaligtasan ng lahat dahil hindi pa rin natatapos ang banta ng pandemya bagama't nagkaroon na nang pagluluwag sa mga health at safety protocols, gaya nang pagsusuot ng mask.
Para sa kabutihan pa rin naman ito ng lahat.