
Kahit nalalapit na ang pagsabak sa Miss Planet International, hindi pa rin nawala ang pagiging kalog ng komedyana at beauty queen na si Herlene Budol.
Dinala kasi niya pagiging bibo ay dinala rin sa Uganda kasama ang mga kandidata ng Miss Planet International at sa social media, ipinakita ng MPI ang isang video na tinuturuan ni Herlene ang mga kandidata na kumanta ng "Moon" ni Nik Makino.
"#Day4 Herlene Hipon Budol is trying to teach us a trending song from the Philippines (Philippine flag emoji)" saad sa caption.
Game na game namang naki-jam ang mga kasamahan ni Herlene.
Pati ang ilang pinoy netizens ay kinaaliwan ang naturang video at narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section.
"That's why she was unique beautiful with a mission, ikaw na talaga Herlene Hipon Budol. Good luck po and God bless to all! (red heart emoji)"
"They are so happy and enjoying lots of fun… Good job Herlene ha ha"
"Hahaha kahit saan pa siya dalhin, 'yan na talaga ang totoong siya. Good to be true to your self talaga. No need to pretend love3x go lang Miss HB!"
Bukod pa riyan ay nag-post naman si Herlene sa kanyang YouTube channel na mapapanood na tinuturuan niyang kumain ng "dragon seed" ang ilang mga kandidata.
Sinabi ng beauty queen na nagugutom na raw sina Miss Norway at Miss New Zealand kaya shinare niya rito ang kanyang baon na pika-pika.