
Nitong nakaraan ay naglabas ng saloobin si Maricar Reyes-Poon tungkol sa mapait na karanasan niya noong nagsisimula pa lang siya sa kanyang showbiz career na ikinuwento niya sa kanyang libro.
Ayon sa aktres, 2008 nang magsimula siya sa showbiz career niya base sa kanyang libro.
"Yes, actually sobra akong top of the world. I had a serye na part ako ng main cast, Lover's in Paris non nagte-tape na sila hindi pa kami umeere.
"I just came from taping I would straight go to the race, nag race ako tapos maganda 'yung time ko tapos ang saya-saya. Parang every was looking good biglang hatak (pabalik)," pag-alala ni Maricar.
Kaya raw nalaman ay dahil may tumawag sa kanya, "Friend ko siya from the gym. Nagdyi-gym ako no'n for the triathlon, sabi niya, 'uy may nakita ako sa tabloid, hindi ko alam kugn totoo. Alam mo ba 'to?' Sabi ko, 'hindi 'yan, ito talaga kasama ng showbiz.'
"Tapos nu'ng agent ko na ang tumawag, 'Maricar merong ano… I had to watch it to make sure if it's you."
Wala raw ibang taong kinakausap noon ang aktres at walang tigil ang cellphone niya sa kakarinig kaya naka-silent na ito habang nagda-drive.
"Siguro there's a part of me na may hope na baka hindi ito totoo? Baka hindi ako? May ganu'n," sabi ni Maricar. "I didn't see anybody, buti na lang wala akong kasabay sa elevator kasi I live in a building and then 'yun humiga na lang ako, hindi ako nag-open ng ilaw."
"I hated everyone who watched, shared made nasty comments, incensitive jokes or had anything to do with the spread of the video. Now, absolutely everything was ruined. I was ruined. My life was ruined,'" saad ni Maricar sa kanyang libro.
Bukod tanging pamilya at kapatid na lalaki ang laging kausap ng aktres ng mga panahong inakalang katapusan na ng lahat sa kanya.
"Doon talaga nag-step 'up 'yung kuya ko, panalo talaga siya. 'Yung kuya was the first person I called nasa CDO (Cagayan de Oro) siya at sabi niya, 'just wait I'll fly there.' Funny sa family ko, we don't talk about it. Kasi I think hindi namin kaya (lalo na sa magulang). Years later naman, may mga nagkukuwento sa akin na my dad tried to fix it pero wala, eh. Hindi mo maagapan when it's out, it's out," sabi pa niya.
"Hindi lang pala ako 'yung broken, first time akong makaramdam ng hiya. There are also other problems in this world more than your own and I think I needed na parang masyado ka ng naka-focus sa ka negahan mo and you think your problem is the end of the world it's not!" saad pa ni Maricar.