
Humingi ng paumanhin ang Filipino-American TikTok star na si Bella Poarch sa kanyang mga fans dahil sa mga naglabasang mga balita na naghain siya ng divorce.
Sa kanyang Twitter post ngayong araw, November 9, naglabas ng pahayag ang sikat na social media influencer para humingi ng paumanhin sa kanyang mga fans.
Marami kasi ang nagulat sa balitang nakikipag-diborsyo siya sa mister niya na nagngangalang Tyler Poarch. Hindi inakala ng marami na ikinasal na pala siya noon dahil wala namang bakas na married na siya sa kanyang social media accounts.
Hiniling din niya na irespeto sana ng mga fans and online followers niya ang privacy nila. Magbibigay naman daw siya ng pahayag tungkol sa issue kapag ready na siyang magsalita.
"I'm sorry if everyone thinks I've been keeping a secret. I will address my divorce when I am ready to speak about it. In the meantime please respect mine and Tyler's privacy," sabi ni Bella.
Sa ngayon ay magpapahinga daw muna siya sa social media at ipauubaya sa kanyang team ang paghawak sa kanyang mga accounts.
"My team will be taking over my socials and posting certain obligations that need to be fulfilled. I will be taking a break from social media. Thank you," pagtatapos niya.
Matatandaang ibinalita ng TMZ, isang sikat entertainment website sa Amerika, na nakakuha sila ng kopya ng legal documents na nagsasabing lihim na ikinasal sina Bella at Tyler noong January 2019.
Ayon pa sa report nila, naghain umano ng divorce si Bella sa Los Angeles County para tapusin na ang pagsasama nila ni Tyler dahil sa "irreconcilable differences."
Ganu'n pa man, patuloy pa rin daw gagamitin ng TikTok personality ang last name ni Tyler.
"And, don't worry fans, according to the docs … she's not planning on ditching Tyler's last name. It's still B to the P!" pahayag ng TMZ.