
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Nagbabala ang mga otoridad nitong Martes sa isang modus na kumakalat ngayon sa social media kung saan isang link ang ipinapadala at kung mapindot ito ay maaari nang ma-hack ang mga social media accounts at mga online bank details.
Ang scam na tinaguriang 'Ikaw ba ang nasa video' ay gumagamit umano ng mga accounts na sa unang tingin ay kakilala nang mga pinapadalhan at kung ma-click na ang link ay otomatikong maha-hack ang mga social media accounts.
Dahil sa pagpindot ng link, nakokontrol na ng hacker ang messenger at ginagamit na ito ng mga scammer upang manghingi ng pera sa mga kaibigan sa friends list ng social media accounts.
Paliwanag ng Philippine National Police-Anti-Cybercrime Group, isang uri ng phishing scam ang kumakalat na "Ikaw ba ang nasa video?"
"Ito 'yung tinatawag nating phishing link at 'pag pinindot mo 'yan, automatically, kasi it will download to your gadget at kukunin niya kung ano ang naka-design sa program na 'yon," saad ni PNP-ACG spokesperson Police Lieutenant Colonel Jay Guillermo.
"Ano ba ang puwedeng makuha? Sabi ko nga it can be a bank account, it can be password of your bank account, it can be one-time password of your bank account. 'Yun kasi ang purpose niyan eh.
Unknowingly, 'yun ang mga tina-target nila but there are some programs wherein they could capture sabi ko nga kanina, sensitive videos if you have in your gadgets. Kung mga secret na, ano 'yung mga pictures," dagdag pa niya.
Sa tala ng PNP-ACG, aabot na sa 118 reklamo natatanggap nila sa loob ng tatlong buwan. Ngunit posible raw na mas marami pa ang nabiktima at nakuhanan ng pera na hindi umaabot sa kanila.
Kung mabiktima, magsumbong agad sa Facebook account o website ng PNP-ACG o sa anumang tanggapan ng pulisya.

Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

Noong Miyerkules, tinupad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang hangarin na makasama sa pamamahala ng gobyerno…