
Talagang tuloy lang ang buhos ng blessings para sa celebrity couple na sina Lovely Abella at Benj Manalo dahil habang palago nang palago ang kanilang mga negosyo ay naisipan pa nilang magtayo ng isa pang business –ang first-ever live selling mall in the Philippines.
Sa kanyang IG, ibinalita ni Lovely ang new business venture nila ng kanyang husband na si Benj at kung paano nila ito na-achieve sa gitna pa rin ng pandemya.
"Proud ako sa ating dalawa. 2 kompanya ay hindi biro, di natin alam kung paano nangyari ang alam lang natin, nagtiwala lang tayo kay Lord," saad ng aktres.
"Iisa lang ang Goal ng negosyo na to ang makatulong sa marami kaya siguro walang hadlang sa itatayo natin na to dahil yun ang gusto niya ang tumulong tayo sa marami. Marami pa tayong tatahakin babe, marami pa tayong ilalaban, marami pang pagod, marami pa babe pero kaya at kakayanin natin dahil supportado tayo ng mga totoong taong nagmamahal sa atin," dagdag pa niya.
Bukod sa kanyang marketing company, nagla-live selling din si Lovely ng mga luxury bags and jewelry. Pero nilinaw niya na mahirap din ang kanyang ginagawa pero dahil sa "hard work and perseverance" nakakaya nila ni Benj ang lahat ng pagsubok.