
Maraming positive comments ang nakukuha ng aktres na si Lovi Poe sa pagganap niya sa seryeng "Flower of Evil" kasama sina Piolo Pascual at Paulo Avelino.
Ang "Flower of Evil" ang napakabonggang Philippine adaptation ng South Korean suspense drama at eere na sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5 mula Lunes hanggang Biyernes ng 9:30 p.m.
Kasama rin sa serye sina JC de Vera, Denise Laurel, Agot Isidro, Joem Bascon, Joross Gamboa, Rita Avila, Jett Pangan at Edu Manzano.
Umiikot ang kwento ng serye sa mag-asawang Daniel (Piolo), isang metal craftsman, at Iris (Lovi), isang pulis.
Mayayanig ang kanilang mundo nang mapunta kay Iris ang imbestigasyon ng isang serial murder case na hindi pa nalulutas at maaaring konektado sa masalimuot na nakaraan ni Daniel.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na mapapanood ang tinaguriang Supreme Actress sa Primetime Bida mula nang siya'y maging Kapamilya.
In fairness, nang umere ang naturang serye sa Viu channel, talagang umani siya ng mga papuri sa pagganap bilang si Iris Castillo-del Rosario. Bumilib din ang viewers sa mga action scenes ng dalaga.
"At least for the duration of this series I fulfilled my dream of being an Action Queen," sabi ni Lovi at ang tawag nga ngayon sa kanya ay "LPJ" at "DA Queen" na tumutukoy sa kanyang amang Action King na si FPJ o Fernando Poe, Jr.
"I really enjoyed having that illusion, even if it was just the duration of the taping of the series," sabi ni Lovi.
Kinarir talaga ni Lovi ang pagganap bilang isang police detective at siya talaga mismo gumawa ng kanyang stunts sa mga maaaksyong eksena lalo na sa mga buwis-buhay na fight scenes.
"I'm really proud of our show, and I hope that the television viewers will love it as well. I am truly grateful for having the best production staff, directors and a wonderful cast. I truly loved working with all my co actors in the show because they were all extremely dedicated to the project," sabi ng dalaga.