
Nakabalik na sa bansa ang aktres at fashion icon na si Heart Evangelista nitong nakaraan matapos ang ilang panahon na pamamalagi sa Paris.
Pero hanggang ngayon ay wala pa rin umanong opisyal na pahayag ang aktres kaugnay sa tunay na estado ng relasyon nila ng asawang si Senador Chiz Escudero at tumungo naman si Heart sa Singapore para sa isang luxury brand event.
Nakabalik sa bansa at nakaalis na uli ngunit wala pa ring opisyal na pahayag na inilalabas si Heart pati na si Sen. Chiz tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon — kung totoo bang hiwalay na sila o fake news lang ang kanilang break up.
Nang makabalik ng Pilipinas si Heart mula sa Paris ay nag-share siya sa kanyang Instagram page ng isang get-ready-with-me video.
"Good morning Philippines. I am back with a vengeance. Welcome to the season 3 of my life!" sabi ni Heart. "You never know when its time for… I don't know, to run away or something like that, charot!"
May isang IG follower naman si Heart na nagkomentong akala raw niya ay hindi na gagawa ito gagawa ng get-ready-with-me video.
Hirit na sagot ni Heart sa netizen, "Maraming namamatay sa 'I thought' dear. Go with the flow na lang darling. (laughing emoji).
"Pati ako maraming i thought. Kaya hayaan na dear (laughing emoji)," dagdag pang chika ng aktres.
Matatandaang unang pumutok ang chika na may pinagdaraanang marital issue sina Chiz at Heart nitong nagdaang August. Ito rin yung panahong tinanggal ng aktres ang apelyidong "Escudero" sa kanyang Instagram profile.
Sinundan ito ng chika na hindi na rin nakikitang suot ni Heart ang kanyang wedding ring.
Pagsapit ng September, inamin ni Heart sa isang vlog ni na meron siyang pinagdaraanang "personal struggles."
Sa nakalipas na ilang buwan, walang update ang aktres patungkol kay Chiz. Sa katunayan, dedma rin siya nang magdiwang ng 53rd birthday si Chiz last October 10.