Extortion, dahilan umano ng IED blast


Tinio: Billions funneled into lump-sum aid programs
Before politics, the pressures of public life, and the Presidential Palace, Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. remembers a…
When a Tennessee woman was sentenced to death in 1996 for murdering a 19-year-old student the year before, she remained…
Records from the Anti-Money Laundering Council (AMLC) showed that Cale88 Foods Corp., a firm linked to Vice President…
Inihayag ng Police Regional Office 12 nitong Lunes na extortion umano ang isa sa mga nakikitang dahilan ng Philippine National Police sa pagpapasabog ng isang bus na naganap nitong Linggo sa lungsod ng Tacurong, Sultan Kudarat kung saan isa ang namatay habang 11 naman ang sugatan.
"Sa ngayon, hindi pa po namin maibigay sa inyo ang kumpletong detalye kung anong grupong ito sapagkat tinitingnan pa po namin dito Sir yung modus operandi na ginamit nila," saad ni PCol. Rogelio Raymundo Jr. ng Police Regional Office 12.
Dadgag pa niya, noong isang buwan nag-umpisa ang tangkang pangingikil sa Yellow Bus Line.
Sinabi rin ni Raymundo na nakalabas na ng ospital ang ilan sa mga nasugatan sa pagsabog.
"Sa 11 pong nasugatan, yung 5 po doon ay nakalabas na, yung 6 po ay inoobserbahan pa lang po at medyo malalim po ang sugat nilang natamo," sabi ni Raymundo.
Sinabi rin niya na pinayuhan nila ang bus company na magpatupad na ng point-to-point na pickup sa mga pasahero ang nasabing bus company.
Magdadagdag na rin umano ang pulis ng kanilang deployment sa mga sakayan ng bus.