Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Inihayag ni Department of Justice (DoJ) Secretary Jesus Crispin Remulla na kasama ang suspendidong hepe ng Bureau of Corrections (BuCor) na si Gerald Bantag sa mga sinampahan ng reklamong murder ng Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay sa pagpatay sa broadcaster na si Percy Lapid.
Ayon kay Remulla, naihain na umano ang kaso sa mga prosecutors upang maipagpatuloy na ang paglutas sa kaso ng pagpatay sa beteranong radio broadcaster habang pauwi ito sa kanyang bahay.
Sinabi naman ni Atty. Eugene Javier ng NBI na ang dalawang reklamong murder na isinampa laban kay Bantag at sa iba pa ay kaugnay sa pagpatay kay Lapid, at sa umano'y middleman na si Jun Villamor, na nakapiit sa New Bilibid Prison (NBP).
Kasama sa reklamo sina Senior Superintendent Ricardo Zulueta ng BuCor, at mga bilanggo na sina Denver Batungbakal Mayores, Alvin Cornista Labra, Aldrin Micosa Galicia, at Alfie Peñaredonda.
Sina Bantag at Zulueta ang itinuturong "principals by inducement" sa pagpatay kina Lapid at Villamor. Habang ang mga bilanggo na sina Labra, Galicia, Mario Germones Alvarez, at Joseph Medel Georfo bilang "as principals by indispensable cooperation."
Ang iba pang bilanggo na sina Christam Ramac, Ricky Lamigo Salgado, Ronnie Pabustan Dela Cruz, at Joel Alog Reyes, ay inireklamo bilang "principals by direct participation."
Umaasa ang Malacañang na mabibigyan na ng hustisya ang pagkamatay ni Lapid kasunod ng mga isinampang kaso.
"He (President Ferdinand Marcos Jr.) is very much aware of the situation. Hopefully, it will pave the way para talagang justice will be served to the family of Mabasa," pahayag ni Officer-in-Charge Undersecretary Cheloy Garafil.
Dagdag naman ni Javier, sina Bantag at Zulueta ang lumilitaw na nasa likod ng pagpatay kina Lapid at Villamor at batay sa mga sinumpaang salaysay ng mga bilanggo, sinabi ni Javier, na may direktang linya ng komunikasyon kina Bantag at Zulueta kay Mayores.
Si Mayores naman ang nakikipag-ugnayan kay Labra, na nakikipagtransaksiyon naman kay Galicia.
Ayon pa kay Javier, si Galicia ang nagplano at nagpatupad ng pagpatay kay Lapid sa pamamagitan ng mga kasama nito sa gang, at ang kasapi nito sa gang ang kumuha ng kakontra sa labas ng NBP para patayin ang brodkaster.
Ang sumukong bumaril kay Lapid na si Joel Escorial, at mga kasama nito ang nakuhang kakontrata ng mga bilanggo sa labas ng NBP.
Nang sumuko si Escorial, inamin niya na nanggaling sa kulungan ang kumontrata sa kanila. Ilang oras matapos niya itong isiwalat, namatay sakulungan si Villamor, na siyang tinutukoy ni Escorial na kumontrata sa kanila.
Patuloy pa ni Javier, may direktang linya rin ng komunikasyon mula kay Bantag at Zulueta si Mayores; si Mayores kay Labra; at si Labra kay Galicia, sa pagpatay kay Villamor sa kulungan na isinagawa ng mga miyembro nito sa gang.
"This time, Jun Villamor was suffocated to death by a plastic bag and held by his own gang members. This unique circumstance shows that the order came from a high official of the BuCor," sabi ni Javier.
"One usually seeks refuge and protection from his own gang members. The fact that they killed one of their own means and indicates that there were instructions from the top and the gang simply had no choice but to execute," dagdag niya.

Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

Noong Miyerkules, tinupad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang hangarin na makasama sa pamamahala ng gobyerno…