Sue Ramirez, may hugot

Malalim ang hugot na pinakawalan ng aktres na si Sue Ramirez nang matanong siya kung paano niya ipinakikita at ginagamit ang kanilang "mala-bakal" na puso.
Natanong ang dalaga sa mediacon ng ABS-CBN series na "The Iron Heart" kung saan kasama niya si Richard Gutierrez.
"I flex my heart all the time. Ang iron heart I think ay hindi something na pinatatag ng panahon, something din na kailangang ingatan kasi ang iron nagde-develop ng kalawang. So, we also have to take care of what we build, so, 'yung puso na matibay binuo natin 'yun sa sarili natin. Kailangan natin siyang ingatan and I will always use my iron heart all the time," sabi ni Sue.
Samantala, sa katatapos na series ni Sue na "The Broken Marriage Vow" ay umingay nang husto ang pangalan niya at pinuri ng lahat sa napakahusay niyang pagganap kaya naman natanong din ang aktres kung posibleng mabura sa mga nakapanood ng "TBMV" ang ginampanan niyang karakter dahil sa bago nitong role sa "Iron Heart."
Base kasi sa trailer ay kakaiba ang karakter na gagampanan ni Sue.
"Ako po, I would like to say that I have no intention in erasing whatever I did in the past because it's a part of me now and a part of who I am. But definitely I will give them something new, we will give them something new and something to watch out na aabangan po nila na something na mae-excite silang panoorin. I have no intention of erasing but I have the intention of adding to the list of good roles that I have been doing for the couple of years," saad ng dalaga.
"Isa po akong con artist na napaka-complex ng character kaya sobrang excited po akong i-portray ito kaya maraming salamat po Star Creatives. Naalala ko nu'ng pinitch sa akin ang role na ito dahil hindi ako makapaniwala na sinabi pa talaga ni Tyang Des (Tanwangco, business unit head) na 'marami nang pinagdaanan ang script na ito at we're very happy na ikaw 'yung napili.' Ako rin po ay napakasaya at napaka-grateful po para sa tiwalang ibinigay ninyo sa aming lahat. Si Venus ay raketera at malalim ang hugot niya kasi iniwan siya ng nanay niya at lumaki na kasama lang ang tatay niya at merong isang unfortunate event na nangyari sa tatay niya at kinailangang tatagan ang sarili at kailangan niyang mabuhay ng mag-isa at naghahanap siya ng pamilya. At dahil raketera at con artist napasok sa isang bagay na gusto rin namang talikuran pero kapit sa patalim kaya hirap. Eventually na-develop kay Apollo (Richard) kaya excited ako na makatrabaho lahat," sabi pa niya.
