
Maraming ipinagpapasalamat ngayon ang aktres na si Bea Binene lalo nang mabigyan siya ng panibagong project under Viva Entertainment kasabay nang pagdiriwang ng kanyang 25th birthday.
Ayon sa kanya, masasabi niyang magandang birthday gift din ang mapasama siya sa youth-oriented series na "The Rain in España" na ibinase sa sikat na Wattpad university series.
Isa si Bea sa mga ipinakilalang celebrities sa naganap na mediacon/storycon ng Viva last November 3 para sa bonggang cast reveal na isa sa naging top trending topic sa Twitter at iba pang social media platforms.
"I feel very blessed because I just signed with Viva. A few weeks after, they called me for script reading and then, a few days after, nag-send na sila ng schedule. Parang, 'Ay, talaga? Agad-agad?'
Nakakatuwa naman, sobrang blessing talaga, so sobrang na-excite po ako," sabi ni Bea.
Aminado naman ang aktres na inatake siya ng matinding kaba at pressure nang tanggapin ang proyekto dahil knows niya na marami ang nagbabasa ng Wattpad university series na isinulat ng young author na si Gwy Saludes.
"Yung pressure and yung nervousness is always there because for me, number one, this is my first project outside of my network before. Malaki yung pupunuan namin dahil marami talagang expectations. Kumbaga, may iba't ibang imaginations, may iba't ibang ideas yung readers about our characters, so siyempre nandoon. We have to really do a good job and give justice to the role," saad ng dalaga.
Medyo feeling sad lang si Bea dahil alam niyang hindi na niya masyadong makaka-bonding ang mga kaibigan niya sa GMA dahil sa paglipat niya sa Viva Artists Agency.
"Siguro nga mas malungkot kasi hindi na kami magkikita. Wala naman akong regular show doon, so hindi kami masyadong magkikita. Pero we make sure na nagkikita pa rin kami outside work and they're happy for me. Nakakatuwa!" sabi niya.
Samantala, makakasama rin ni Bea sa "The Rain in España" sina Marco Gallo, Heaven Peralejo, Krissha Viaje, Aubrey Caraan, Nicole Omillo, Gab Lagman, Andre Yllana, Francis Magundayao, Gabby Padilla at Frost Sandoval. Ito'y sa direksyon ni Theodore Boborol.