
Hindi naiwasang mag-fangirling ng aktres na si Kim Chiu matapos niyang manood ng concert ng K-Pop girl group na Blackpink sa Amerika.
Ibinahagi ni Kim ang isang video na kung saan mapapanood ang ilang eksena sa concert, pati na rin ang kanyang mga litrato na makikita naman ang kanyang pagiging excited at kilig to the max.
Sinabi pa ni Kim na worth it ang walong oras na nakatayo dahil nakita niya nang malapitan ang Blackpink members na sina Jennie, Lisa, Rosé at Jisoo.
"No words!!!! SIMPLY THE BEST NIGHT EVER!!! BEST CONCERT EVER!!!! BEST GIRLS EVER!!! BEST SIDE TRIP EVER!!!! EVER NA SA LAHAT NG EVER! 8 hours of standing was super worth it saw them up close and personal with matching eye contact, wave wave, and smile smile," sabi ng dalaga.
Hindi niya raw mailarawan ang kanyang naging experience kahit may "jet lag" pa siya.
"ANG GANDA AND ANG SAYA NG CONCERT!!! From sound check to the performance. OA yung feeling kahit na nilalabanan ko yung jet lag ko and all grabe no words can describe as a BLINK, this trip is super-mega worth it. flew back and forth early morning flight alone to Georgia back to Vegas with happiness and kilig in my blink heart!! (heart emoji)" sabi pa ni Kim.
Maraming netizens naman ang napa-sana all sa IG post ni Kim.
Nasa Amerika ngayon si Kim hindi lang para manood ng Blackpink world tour, may show din kasi siya sa Las Vegas para sa "ASAP Natin 'To" show.
Kung matatandaan, hindi ito ang unang beses na nanood ng Blackpink concert ang aktres dahil present siya noong 2019 sa Singapore concert ng K-Pop group.