Julia Barretto, nakipaglaro

Naglaan ng oras ang aktres na si Julia Barretto para sa kanyang kapatid kung saan ibinahagi ng kanilang inang si Marjorie Barretto sa kanilang social media.
Ibinahagi niya sa Instagram ang ilang videos na makikitang nakikipaglaro ng lutu-lutuan sina Julia at Claudia sa kanilang bunsong kapatid na si Erich.
"When your adult daughters enjoy playing with their little sister's kitchen set. What a beautiful and quiet night. Missing Dani (red heart emoji) #ILoveBeingTheirMom," saad ni Marjorie.
Mapapanood sa video na nagkukunwaring nasa restaurant ang magkapatid. Si Julia ang nagsilbing waitress, si Claudia ang customer, habang si Erich naman ang kanilang chef.
Natuwa ang ilang celebrities sa post ni Marjorie at tila nakisakay rin sa laro ng magkakapatid.
Gaya ng aktres na si Isabelle Daza na tila nag-order pa.
Pabiro niyang komento, "I'll take a margarita with extra salt pls."
Sabi naman ng beteranong singer na si Jessa Zaragoza, "Precious!"
Sey naman ng aktres na si Neri Miranda, "Ang gaganda talaga ng mga anak mo, Ate!!"
Napa-comment din ang nakakatandang kapatid ng Barretto siblings na si Dani dahil hindi siya nakasama sa bonding ng kanyang mga kapatid at sinabing, "Aww miss you guys!"
