
Nagkaproblema pala ang komedyana at beauty queen na si Herlene Budol ngayong nakatakda siyang sumabak sa Miss Planet International dahil sa nangyari sa gagamitin niya sanang national costume at sa kanyang IG, ibinahagi niya ang nangyari sa kanya.
"Nakakaiyak at sobrang lungkot ng Hipon Girl nyo. Ang National Costume mukhang na disgrasya po ng Airlines. Pag dating ng Airport ayaw ipakarga kesyo over size daw. Then No Choice narin kami at hinayaan nalang namin chinopchop nila at binaklas buong box," sabi ni Herlene.
At dahil nga pinaghiwa-hiwalay ang kanyang national costume ay hindi nila ito buong nakuha nang makalapag sila ng eroplano.
"Ang masaklap yung pinaka body ng costume hindi nakarating ng UGANDA. buong araw na kami asa Airport at tinengga oras namin at pinangakuan kami na darating ng gabi. pero 2:30am na at wala na silang paramdam," sabi ng dalaga.
Kaya naman nanawagan ang dalaga sa airlines na kanilang sinakyan para tuluyan siyang matulungan hinggil sa kanyang problema sa kanyang national costume.
"Manalo o matalo suportahan nyo pa rin ako hanggang sa dulo ah. Love you all at isama nyo ako sa prayers niyo," pakiusap ng dalaga bago siya tumungo pa-Uganda.
Maging ang kanyang talent manager na si Wilbert Tolentino ay humingi na rin ng tulong para sa national costume ng dalaga.