Maxine Medina, bumuwelta sa bashers


Binuweltahan ng aktres at beauty queen na si Maxine Medina ang isang basher na nagkomento sa kanyang social media post kung saan ibinahagi niya ang mga photos niya habang ipinakilala ang kanyang gagampanang karakter sa bagong teleserye.
"Hello meet BLAIRE, a popular celebrity stylist and fashion designer. Abangan," sabi ni Maxine.
May mga comments na nagpapahatid ng pagbati sa dalaga, pero may mga bashers pa rin na nang-nenega sa kanya at ang isa ngang comment na nagsabing, "Taba- mo na."
Hindi namang nagpatinag ang beauty queen at nasampolan tuloy ang nag-comment.
"Really? I think so too but i still look good ikaw? (blushing emoji)" saad ng dalaga.
Hindi naman na sumagot ang basher sa aktres pero mababasa pa ang replies na tila pinagtulungan pa ng ilang fans ang mapanglait na netizen.
Nitong nakaraan ay ibinalita ng GMA na gaganap bilang kontrabida si Maxine sa upcoming teleserye na pinamagatang "Magandang Dilag."
Bago pasukin ang mundo ng showbiz, matatandaang noong 2016 nang lumaban sa Miss Universe competition si Maxine at nagtapos sa Top 6 finalist.
Two Lasallian campuses faced security threats Thursday, adding to a growing string of school scares that has continued…
Some couples regard a public marriage proposal as romantic. A pair in China decided to do it during the concert of a…
Tulfo advised the prosecution panel to be more mindful of the lawyers it assigns to present witnesses to keep the…
The attempt to sabotage a flydubai airlines flight may have been intended not only to endanger its 174 passengers but…