Inihayag ng Philippine Statistics Authority (PSA) na pumalo na sa 7.7 percent ang inflation rate o ang bilis nang pagmahal ng mga bilihin at serbisyo nitong nagdaang Oktubre na siyang pinakamataas sa nakalipas na 14 na taon.
Kung matatandaan, naitala ang inflation rate sa 6.9 percent nitong nakaraang Setyembre at ang October inflation rate ay 0.8 percent na mas mataas kaysa noong nakaraan.
Ayon kay PSA chief at National Statistician na si Claire Dennis Mapa, noong Disyembre ng taong 2008 nang maitala ang 7.8 percent inflation habang may nagaganap na global financial crisis.
Gayunman, sinabing pasok pa rin sa pagtaya ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang inflation ng Oktubre na nasa 7.1 percent hanggang 7.9 percent.
Sa nakalipas na 10 buwan, pumatak ang average inflation sa 5.4 percent, na pasok pa sa inaasahang 4.5 percent hanggang 5.5 percent para buong 2022 ng administrasyon.
"Ang dahilan ng mas mataas na antas ng inflation nitong Oktubre 2022 kaysa noong nakaraang buwan ay ang mas mabilis na pagtaas ng presyo ng Food and Non-Alcoholic Beverages. Ito ay may 9.4 percent inflation at 80.9 percent share sa pagtaas ng pangkalahatang inflation sa bansa," sabi ni Mapa.
Bukod sa mga bilihin, naging dahilan din umano ng pagtaas ng inflation ang restaurants and accommodation services, maging ang mahal na presyo ng mga produktong petrolyo, kuryente, transportasyon, at iba pa nitong Oktubre.
Sa hiwalay na pahayag, sinabi ng National Economic and Development Authority (NEDA) na ang pagtaas ng inflation ay epekto ng mga nangyayari sa labas ng bansa gaya ng patuloy na sigalot ng Russia at Ukraine, at mga lockdown sa China, na nakakaapekto sa global supply chains.
Nakaapekto rin umano ang mga naranasang bagyo sa bansa, partikular ang bagyong Karding noong Setyembre.
Early-stage cancer can be more easily treated than in the later stages. That is why doctors recommend regular cancer…
‘As far as I recall and based on the record, there is no showing.’
President Ferdinand Marcos Jr. is flying to Singapore for a five-day working visit upon the invitation of Singaporean…