
Usap-usapan ngayon sa social media ang kissing scene ng aktres na si Jane de Leon at aktor na si Joshua Garcia sa Mars Ravelo's Darna TV series at talaga namang maraming mga netizens ang kinilig sa eksena.
Kilig na kilig nga ang mga netizens sa "banayad" na paghalik ni Joshua sa aktres matapos ang "higop" kissing scene nito kay Janella Salvador.
Ang eksena nila bago ang trending na halikan ay iniligtas na ni Darna (Jane de Leon) si Brian (Joshua Garcia) mula sa impostor nito na siyang humalik kay Regina (Janella Salvador) na inakalang magkakaroon sila ng relasyon ng poging police officer 'yun pala ay hindi pa rin at talo pa rin siya kay Darna.
Makikita pa ngang nagulat si Darna ng halikan siya ni Brian ngunit nang tumagal ay nagpaubaya na rin ang dalaga.
At noong mahimasmasan nga ang karakter ni Jane ay sinampal nito si Joshua at tinanong ito kung bakit siya hinalikan.
"Eh hinalikan mo rin naman ako eh," sagot ng karakter ni Joshua at inaming nagsisisi kung bakit late na raw niya ginawa ang paghalik sa dalaga.
"Hindi ko talaga inexpect yung kiss! Juskoooo… grabe kilig ko na kulang na lang marinig ng buong barangay yung tili ko nung nag-kiss sila," saad ng netizen.
Comment naman ng isa, "Ang simple lang ni Jane at Joshua… yung chemistry ang natural lang."
Sa sobrang kinagiliwan ng netizens ang naturang eksena ay kabilang pa nga ito sa trending videos sa YouTube.