
Photo by Joey Sanchez Mendoza
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Iginiit ng Bureau of Corrections (BuCor) na paiigtingin nito ang intelligence monitoring sa loob ng mga bilangguan kasunod nang pagkakadiskubre ng nasa 12,000 kontrabandong mga bagay, kabilang na ang illegal na droga, cellphone, armas, at 7,500 lata ng beer.
Ang mga kontrabando ay nakuha mismo sa mga preso sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City.
Ayon kay BuCor officer-in-charge Gregorio Catapang, one-strike policy ang kanyang paiiralin at ito ay iniutos na niya sa kanyang mga commanders sa ahensya.
"Kasi 'wag niyo akong pilitin na ako pa mga-iinspeksyon diyan sa kubol. Kasi pag nag-inspect ako, eh mananagot kayo kung bakit napapabayaan," sabi ni Catapang.
Dadgag pa niya, lalong humahaba ang sentensiya o pagkakakulong ng isang inmate na mahuhulihan ng kontrabando.
"Baka hindi na sila makalaya, eh yun pa naman ang program natin," saad ni Catapang.
Itinalaga bilang OIC ng BuCor si Catapang habang suspendido si BuCor chief Gerald Bantag dahil sa imbestigasyon sa pagkamatay ng inmate na si Jun Villamor.
Si Villamor ay isa sa mga tinuturong "middleman" sa pagpatay sa mamahayag na si Percival "Percy Lapid" Mabasa noong Oktubre 3.
Namatay si Villamor sa piitan ilang oras matapos siya ituro ng umano'y bumaril kay Lapid na si Joel Escorial noong Oktubre 18.
Ayon sa isang autopsy, suffocation gamit ang isang plastic bag ang ikinamatay ni Villamor.
Samantala, inilipad na sa Maynila mula sa Palawan ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isa pang person of interest sa pagpatay sa mediaman na si Percy Lapid.
Ayon sa mga ulat, alas-siyete ng gabi ng Miyerkules nang dumating sa NAIA ang person of interest na nagmula sa Puerto Princesa, Palawan sakay ng Cebu Pacific flight.
Armado ang mga tauhan ng NBI na ikinaalarma naman ng Aviation police dahil walang koordinasyon sa kanila ang pagpasok ng mga ito sa paliparan.
Naayos din kinalaunan ang sigalot at humingi ng paumanhin ang mga taga-NBI sa insidente.
Hindi pa tinukoy ang pangalan ng person of interest at ano ang partisipasyon niya sa nangyaring pagpatay kay Lapid, o Percival Mabasa.
Tinatayang nasa edad na 35-50 ang person of interest, at nakasuot ito ng helmet at bulletproof vest nang dumating sa paliparan.
Kaagad din siyang isinakay sa sasakyan ng NBI at dinala sa tanggapan nito sa Maynila.

Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

Noong Miyerkules, tinupad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang hangarin na makasama sa pamamahala ng gobyerno…