
Mariing itinanggi ng Viva contract artist na si Debbie Garcia na naging third party siya sa relasyon noon ni Barbie Imperial at Diego Loyzaga at iginiit niyang magkaibigan lamang sila ng aktor.
Ang pahayag ni Debbie ay kasunod nang mga kumalat na balita na sinugod umano siya ni Barbie sa isang bar nitong nakaraan.
Kung matatandaan, nagkasama sa isang sexy-drama movie ang dalawa na ipinalabas noong February 2022 sa Vivamax na pinamagatang "The Wife".
"We're not together po. We're friends po. Magkaibigan po kami ni Diego," paglilinaw ni Debbie.
Thankful rin ang Viva artist na nakpagpa-blotter siya at nakapagpa-medicolegal agad para na rin maging ebidensya laban sa mga kumakalat na fake news.
"Ang dami pong nagsi-circulate na mga kwento, hindi naman 'yun ang totoong nangyari. Good thing noong gabing 'yon, nagpa-medico legal ako tsaka nagpa-blotter po ako. Kumpleto po kami para po kung ano man ang mga ini-speculate ng mga tao," sabi ni Debbie.
Kwento pa niya, hindi raw niya kinanti o prinovoke si Barbie taliwas sa mga kumakalat sa social media.
"Never po. Wala po akong any intention na ganoon kasi lahat po ng mga kaibigan ko nandoon. Ang saya saya po namin noong night na 'yun. Lahat nga po masaya kasi wala nang tensyon, and nasa iisang table kami. So wala talaga. We didn't expect it," saad ng dalaga.
Paliwanag pa niya, lumapit lang siya kay Barbie para bumati at bumeso.
"Tao akong lumapit sa kanya. Bebeso lang ako. Siyempre courtesy 'no, pagdating niya nauna ako doon. I said hi kasi hindi naman tayo bastos. Noong pauwi ako ang plan ko lang is to say bye to everyone kasi mga kaibigan ko po 'yon, business partners," sabi ni Debbie.
Dagdag pa niya, ayaw raw niyang bastusin si Barbie at daanan lang siya na parang wala lang dahil hindi naman daw niya ito pag-uugali.
"So 'yung intention ko is really good. Walang anything po. So nagulat rin po ako na ganoon po ang reaction niya," hirit pa ni Debbie.
Samantala, wala pa ring inilalabas na pahayag si Barbie hinggil sa isyu at sa reklamong isinampa laban sa kanya ng Viva artist.