SUBSCRIBE NOW SUPPORT US

Angel Aquino, proud mommy

Angel Aquino, proud mommy
Published on

Proud mom ngayon ang aktres na si Angel Aquino nang magtapos na sa kolehiyo ang kanyang anak na si Thea Aquino Bernardez kahit pa noong una ay nagdadalawang-isip ang aktres kung makakatapos ang kanyang anak ng pag-aaral dahil may sakit ito.

Pero eto nga, graduate na ang bunsong anak ni Angel at base sa caption ng aktres sa mga larawang pinost niya, muli niyang inalala ang nangyari sa anak at ang mga pahayag ng duktor noon tungkol sa anak.

"I'm sorry if all those years, I did not fully trust that I'll ever see this day. Your doctors said to be ready for the worst: speech, movement, comprehension are all challenged and may not even come; that you might stay in bed your whole life. Yet we kept on going, with no rush and no pressure- each day, each year, one school, one milestone at a time. agpapatuloy pa ni Angel, "Look where you took me today.

We've gone miles from that bed, haven't we?

Thank you for being unlimited, undaunted, unafraid," sabi ni Angel sa caption.

"Your indomitable spirit powered through Thea. That is your gift from God. Don't ever lose it. (Life is half fate and half you. Half blessings and half hard work. Grateful that my daughters are way better people than me," dagdag niya.

Hindi naman itinago ni Angel ang kalagayan ng bunsong anak dahil naibahagi niya ito noong mag-guest siya sa programang Magandang Buhay taong 2016.

Mukhang civil naman sina Angel at ex-husband niyang si Ian na siyam na taon na silang annulled.

Ang panganay ni Angel na si Iana Bernardez na kamukhang-kamukha niya ay unti-unting pumapalaot na rin bilang artista at producer.

Sabi nga ni Iana ay pressured siya bilang anak ni Angel Aquino dahil malaki ang expectations ng lahat bilang anak nga siya ng aktres na kaliwa't kanan ang acting awards.

In fairness ay may dalawang awards na rin si Iana, Best supporting actress para sa "Metamorphosis" (2019) at Best Ensemble sa pelikulang "Gusto Kita with All my Hypothalamus".

logo
Daily Tribune
tribune.net.ph