Andrea Torres, pinuri sa acting



Nagsimula nang maipatupad nitong Sabado ang unang bahagi ng P85 dagdag sa pang-araw-araw na sahod ng mga manggagawa sa…

Inilagay na sa high alert ang Southern China habang nasa 340 000 na ang inilikas dahil sa Bagyong Noul (dating Kiyapo).

Umani ng batikos ngayon si Unkabogable Star Vice Ganda matapos ang kanilang skit na "Memerimar" sa show na It's…

Inanunsyo ni LeBron James na tutungo siya sa Philadelphia para sa huling yugto ng kanyang dawamput-apat na taon sa…

Napagkamalang may dalang ilegal na droga ang isang 17-anyos na Grade 9 student sa Bacolod City matapos makitaan ng…
Puring-puri ang mga netizens at mga tagatangkilik ng fantasy series na "Maria Clara At Ibarra" kay Andrea Torres na gumaganap bilang si Sisa na isang karakter sa nobelang isinulat ng Pambansang Bayani na si Jose Rizal na pinamagatang "Noli Me Tangere".
Trending nga ang dalaga ngayon sa social media dahil sa paghanga sa kanya.
Makikita sa trending video clip ang nakakadurog ng pusong paghihinagpis ni Sisa nang hindi na niya masilayan ang dalawang anak na sina Crispin at Basilio.
Talaga namang bumilib at nangilabot ang madlang pipol nang bigkasin na ni Andrea ang mga katagang "Crispin, Basilio, ang mga anak ko!" na hindi na rin bago sa pandinig ng mga Pinoy at madalas ngang gawing katuwaan at biruan.
Marami rin sa mga Pilipino viewers ang aminadong malaking tulong ang episode ng "Maria Clara At Ibarra" para lubusang maintindihan ang karakter ni Sisa na sa libro lang nababasa noon.
"People remember her insanity. But they often forget what drove her to madness. Thank you @gmanetwork and @andreaetorres for letting people see that the story of Sisa is not something to laugh at. May we not be the reason why someone falls off the ledge," tweet ni Atty. Gideon Peña.
"You deserve an Best Actress Award Bb.Andrea Torres… si Sisa hindi lang isang baliw, kundi baliw sa pagmamahal sa kaniyang anak.. Congrats po," sabi naman ng isa pang netizen.
Labis naman ang pasasalamat ni Andrea sa lahat ng mga naka-appreciate ng kanyang pag-arte.
"Ay grabe sasabog ang puso ko. Sobra kong naappreciate. Lalo na pag sinasabi niyo na di na lang basta baliw si Sisa sa paningin niyo. That's the best. TGBTG (To God Be The Glory)," saad ng aktres.