Barbie Imperial, nanugod?

Kumakalat ngayon sa social media ang umano'y panunugod at pananakit ng aktres na si Barbie Imperial sa Vivamax artist na si Debbie Garcia dahil umano sa selos matapos nitong i-date ang kanyang ex-boyfriend na si Diego Loyzaga.
Sa isang CCTV footage na kumakalat ngayon sa social media, makikita umano ang pag-awat ng mga kalalakihan kay Barbie at inilayo kay Debbie ngunit hindi pa malinaw kung sino ang lalaking pumigil sa aktres.
Base rin sa mga nakakita, hinawakan raw ng aktres ang Vivamax artist sa magkabilang braso upang i-confront at doon na nga raw nagsimula ang magmurahan at pisikalan ng dalawa.
May mga bulung-bulungan pa nga raw na matagal na ang selos na nararamdaman ni Barbie sa sexy star kahit noong magkarelasyon pa sila ni Diego.
Gulat na gulat nga raw si Debbie sa mga pangyayari at agad na nagtungo sa Kamuning Police Station para ipa-blotter ang aktres.
Kokonsulta rin daw ang Vivamax artist sa mga abogado para alamin kung ano ang pwedeng i-file na kaso laban kay Barbie.
Sa ngayon ay wala pa namang tugon o pahayag si Barbie o ang kampo nito hinggil sa isyu.
Matatandaang isang buwan matapos nilang mag-celebrate ni Diego ng kanilang 1st anniversary ay umugong ang balitang nagkakalabuan na silang dalawa.
Pero noong Pebrero 2022 nang basagin na ni Barbie ang kanyang katahimikan at kinumpirma na hiwalay na nga sila ng aktor
