
Nagkaroon pala ang supernatural experience ang aktres na si Ara Mina habang nagsu-shoot ng bago niyang pelikulang "Katok" at ayon kay Ara, marami pa siyang naranasang talagang kakaiba habang nasa shooting.
"I've been doing horror films noon pa, from 'Shake, Rattle & Roll' but this is the first time na meron kaming isang eksena na parang may gumanoon na kamay. Wala namang tao sa area na iyon kasi lahat ng mga staff nandito sa director's So, ako lang 'yung tao," sabi ni Ara.
Dagdag pa niya, may isa pang eksena na talagang nanindig ang kanyang balahibo. Sa isang scene kasi ay pinapasok si Ara sa isang cabinet ng kanyang director na si Joven Tan.
"Creepy kasi it's an old house tapos 'yung cabinet na 'yun, parang ano pala iyon, parang panic room. Cabinet ang hitsura niya pero kapag pumasok ka ano pala iyon, stair pala iyon na pakisame, paakyat. Iyon 'yung parang panic room noong old house na iyon," sabi ng aktres.
Sabi ni Ara, ang lamig-lamig sa loob ng cabinet. Talagang nanindig ang kanyang balahibo. At kahit na hindi naman siya claustrophobic ay talagang natakot siya.
"Halos minadali ko 'yung eksena. Kahit hindi pa ako dapat lumabas, lumabas na ako," sabi pa niya.
Aminado naman si Direk Joven na talagang hindi niya sinabi kung ano ang nasa loob ng cabinet para makuha niya ang organic reaction ni Ara sa eksenang iyon. Effective naman ang ginawa niya dahil talagang takot na takot si Ara sa eksena.