
Kung ang aktor na si Sam Milby ang tatanungin, excited na umano siyang bumuo ng pamilya kasama ang kanyang girlfriend na si Miss Universe 2018 Catriona Gray dahil hindi na siya bumabata.
Kaya naman naglabas ng saloobin ang aktor kapag natatanong umano siya kung kailan siya magpo-propose kay Catriona.
"Hindi naman ako naiinis (kapag tinatanong tungkol sa wedding), I guess siguro kung masyado nang makulit," sabi ni Sam. "Do I feel pressured? A lot of people are asking me that because karamihan ng mga kaibigan ko, they're married, they have kids."
Nang matanong naman kung ready na si Catriona na lumagay sa tahimik, sinabi ni Sam na ayaw niyang sumagot para sa dalaga.
"She's still young, I don't wanna answer for her but yes, napag-uusapan na namin," sabi ng aktor.
"It's not really achieving. Hindi naman parang may isang bagay na humaharang sa akin, it's not that. 'Wag n'yo 'kong pangunahan," sabi pa niya.
"It's a stage that I'm excited and looking forward. Abangan niyo kapag dumating na ang stage na 'yan. Siyempe, hintayin n'yo lang, masu-surprise rin kayo," dagdag pa niya.
"I'm not getting any younger also, siyempre. I'm turning 39 next year," natatawa pang sabi ni Sam.
At sa tanong kung si Catriona na nga ba ang kanyang "the one", "I do believe so. I do."
Samantala, very proud boyfriend din si Sam nang malamang nominated si Catriona sa Asian Television Awards as Best Host para sa "Top Class: The Rise to P-Pop Stardom."