ANDREA TORRES, MAY TIPS

ANDREA TORRES, MAY TIPS

May tips ang aktres na si Andrea Torres sa mga magkarelasyong naghihiwalay at mga taong naiiwang brokenhearted – kailangang lang umanong tanggapin na tapos na talaga ang lahat.

Kung matatandaan, dumanas nang matinding sakit ang dalaga dahil sa paghihiwalay nila ng aktor na si Derek Ramsay at ito umano ang naging sanhi ng matinding kalungkutan at depresyon.

At makalipas nga ang mahigit dalawang taon, masasabi na ni Andrea na okay na uli siya ay naka-move on na sa masakit na pinagdaanan ng kanyang puso.

"Kailangan ma-accept mo lang na tapos na. Kumbaga nangyari na siya, tapos na, para mapunta ka na doon sa next step na 'o ano ng gagawin ko?' Parang kailangan lang maluwag lang sa puso mo," ang pahayag ni Andrea sa isang panayam.

Kinailangan niyang alisin muna sa puso niya ang sakit at galit na nararamdaman para makapagsimulang muli. Napakalaking tulong din daw ng support system sa ganitong pagkakataon.

"Parang nakakatuwa kasi sa lahat ng challenges ko sa life laging may tao na ipinapakilala sa akin na parang may impact sa buhay ko," sabi ni Andrea.

Mahalaga rin daw yung may closure ang isang nasirang relationship bilang respeto na rin sa isa't isa ng naghiwalay na couple.

"At least man lang huwag lang 'yung bigla ka na lang iiwan sa ere. Minsan kasi kahit na mag-usap kayo, hindi naman talaga kayo 'yung masasabi mong nag-part ways nang okay," saad ng dalaga.

Related Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph