Kylie Padilla, moving on pa rin

Hanggang ngayon pala ay nasa moving-on stage pa rin ang aktres na si Kylie Padilla at ayon sa kanya ay patuloy pa rin ang healing process niya matapos silang maghiwalay ng kanyang dating asawang si Aljur Abrenica.
"Getting there. Hindi minamadali talaga. I'm consciously making myself happy. Trying to heal that din. Don't want to be defined by these unfortunate things," sabi ni Kylie.
Kung matatandaan noong Oktubre ng nakaraang taon ay nagsalita ang si Aljur tungkol sa paghihiwalay nila ni Kylie.
Sa isang Facebook post na ngayon ay burado na ay nakikiusap si Aljur na sabihin na ni Kylie ang totoo dahil hindi na raw niya kayan tiisin ang mga pangsisisi at akusasyon laban sa kanya.
Sa kalaunan ay sinagot din ng aktres ang mga paratang sa kanya ng ex-husband at tinangging hindi siya nangaliwa sa kanilang pagsasama.
Sinabi rin ni Kylie na siya raw ay nasaktan sa FB post ni Aljur lalo na't nag-usap na raw sila tungkol dito.
Noong Hulyo ng nakaraang taon ay kinumpirma ng ama ni Kylie na si Senador Robin Padilla na hiwalay na ang kanyang anak kay Aljur matapos ang dalawang taong kasal.
Samantala, bago ang mga pag-amin ay nauna nang mag-viral ang ilang litrato ni Aljur kasama ang aktres na si AJ Raval na siya ring umamin na nililigawan siya ni Aljur at nasa getting to know stage pa lamang.
