
Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

Read next

What's your take?
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Continue reading
Hanggang ngayon pala ay wala pa ring linaw kung ano na nga ba ang kahihinatnan ng Philippine Identification System (PhilSys) o National ID na ayon sa mga naunang ulat ay naka-print lamang umano sa bond paper ang ipinamimigay na ID.
Halos lahat ay nakapagpa-register na para dito dahil isa ito sa mga programa noon na inilaan ng pamahalaan upang mas mapabilis pa ang proseso ng pagbibigay ng serbisyo para sa mga mamamayan.
Magandang programa sana ang national ID dahil isa na ito sa magiging opisyal na pagkakakilanlan ng mga mamamayan lalo na ng mga taong wala pang government-issued ID hanggang ngayon.
Ayon naman sa Philippine Statistics Authority (PSA) na ang dami ng mga nagpatala para makakuha ng National ID ang isa sa mga dahilan kaya naantala ng pag-imprenta ng mga ID card.
"The reason for the delay [in printing] is the high volume in the registration… We didn't expect it," saad ni PSA chief Dennis Mapa.
Paliwanag niya, hanggang nitong October 17 ay nasa 74.28 milyong Filipino na ang nagparehistro sa PhilSys o sumailalim sa pagkuha ng demographic and biometric information.
"This already represents 98.7 percent of the population ages 15 years and above… and represents 80 percent of target registrants for 2022," sabi ni Mapa.
Sa naturang bilang, may kabuuang 51.23 percent ang sumailalim sa backend identity verification, "to determine if the person registering is unique."
Ayon pa kay Mapa, nakapagbigay na ang PSA ng unique 12-digit PhilSys number sa mahigit 45 milyong nagpatala, mula iyan sa 51 milyon na sumailalim sa backend verification process.
"Out of this, we have already dispatched/turned over to the Philippine Post Office a total of 22.55 million PhilID cards," saad niya.
Sa naturang bilang, sinabi ni Mapa na naipadala na ng PhilPost ang 17.6 milyong PhilID cards hanggang nitong October 14.
Nasa 19 na milyon naman ang itinuturing ni Mapa sa ngayon na backlog.
Maganda sanang programa ang national ID system dahil talaga namang malaki ang maitutulong nito sa improvement ng serbisyo, pero sana ay huwag nang paghintayin nang matagal ang mga mamamayan para dito.
Sana nga lamang ay maayos ng pamahalaan ang sistema para sa paggawa at pamimigay nito sa mga mamamayan. Baka isipin kasi na mapupunta lang sa wala ang pondong inilaan para dito.