

Hindi nagpatalbog ang sexy actress na si Angeli Khang lalo na pagdating sa hubaran at sa mga sex scenes sa bagong offering ng Vivamax na "Us X Her" kung saan kasama rin niya ang isa pang bombshell ng Vivamax na si AJ Raval.
Unang nagkasama ang pambatong sexy stars ng Viva Entertainment na "Taya" kung saan s AJ ang bida habang bahagi lang ng supporting cast si Angeli.
Ngunit makalipas lamang ang ilang buwan, nabigyan na rin ng solo projects si Angeli tulad ng "Mahjong Nights" at "Silip sa Apoy". At dahil nga rito marami ang nagkomento na tinalbugan na ni Angeli si AJ matapos siyang bansagang Queen of Vivamax.
Pero pinatunayan nga nina Angeli at AJ na walang isyu o inggitan sa pagitan nila matapos tanggapin ang "Us X Her" kung saan makakasama nila si Kiko Estrada.
"When I learned I will work with AJ, kinabahan ako, kasi nga lagi kaming pinagko-compare. But I also got excited to work with her as I know she's a good actress. Sa shooting, we got along fine with our kulitan, food trip, kwentuhan. Masaya siyang kasama. We didn't feel any competition at all on the set," saad ni Angeli.
Ang "Us X Her" ay mula sa direksyon ni Jules Katanyag na tumatalakay sa mag-asawang (AJ at Kiko) magugulo ang maayos at magandang pagsasama nang dumating ang isang babaeng kahuhumalingan ng karakter ni Kiko.
"Nang pumasok ang character ko sa buhay nina AJ at Kiko, doon na nagulo ang lahat. Sobrang na-obsessed kasi ako kay Kiko as his diehard fan," saad ng dalaga. "I cannot relate to my character kasi i've never been a diehard fan of anyone. Also, I've never been involved in a love triangle like what happened here. Challenging yung role ko, but i think nakuha ko namang itawid yung character ko sa movie."
Aminado naman ang dalaga na natatakot din siya na baka maumay na ang mga manonood sa pagpapakita niya ng hubad na katawan sa mga ginagawa niyang pelikula.
"Ang fear ko kasi, baka nagsasawa na ang mga tao sa hubad na katawan ko, but in these films, it's more of acting na ang ipinakita ko. Sa 'Girl Friday', asawa ako ni Jay Manalo at matrona andating ko, pinatanda ako pati sa mga damit na ipinasuot nila sa akin at sa hairdo ko. Dito sa 'Us X Her', I play my age now but it's so different from my past roles kasi, dito, ang character ko, kung magmahal siya todo-todo. Sobrang obsessed sa love niya for Kiko, and that love turns into hatred when she's rejected and everything turns into chaos. Yung character ko, extremes ang shifts ng emotion from being happy to breaking down and sa dulo, she's consumed with hatred. Mahirap talaga siya, but I enjoyed it," saad ni Angeli.