
Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

Read next

What's your take?
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Continue reading
Binalikan ng vlogger at social media influencer na si Toni Fowler ang nakakatakot niyang karanasan nang magpa-enhance siya ng kanyang butt at nameligro ang kanyang buhay dahil "nabulok" ang parte ng katawan na kanyang ipina-enhance.
Kaya naman para masolusyunan ito at huwag nang lumala pa, sumailalim siya sa isa pang cosmetic surgery.
Kuwento ni Toni, nagkaroon siya ng aksidente sa balakang at may isa raw siyang kaibigan na nagsabing may kakilala itong murang doktor at doon nga siya nagpakonsulta at nagpa-inject.
"To make the long story short, ano pala, motor oil [ang na-inject]. Motor oil ang nalagay sa akin. So nangitim," sabay hawak sa kanyang kanang hita.
At agad nga raw siyang kumunsulta sa doktor upang alamin kung bakit biglang nangitim ito.
"Sabi niya, 'Namamatay ang balat mo. Nabubulok ka nang buhay'… Kinaskas yung nilagay sa akin. Tinanggal tapos lalo akong nawalan ng puwet tsaka balakang. Tinanggal yung infected part, pati sa puwet. So mas lumiit," pagkukuwento pa ni Toni.
Hindi na nga raw niya nahabol ang pekeng doktor na nagturok sa kanya ng motor oil dahil hindi na niya ito mahagilap.
Matapos nito ay sumangguni naman si Toni sa isang cosmetic surgeon para sa butt augmentation.
Una raw niyang sinabi na lagyan siya ng silicone ngunit inirekomenda raw sa kanya ang Brazilian butt lift, isang specialized fat transfer na hindi na kailangang gamitan ng implant.
"Pinataba niya ako ng three months. 'Tapos kinuha niya ang fats ko dito and then 360 [degrees], pati sa bra line. Nilagay niya ang fats ko sa puwet at balakang ko," sabi pa ni Toni.