SUBSCRIBE NOW
SUBSCRIBE NOW

Teleserye ni Herlene Budol, naurong

Teleserye ni Herlene  Budol, naurong
Published on: 

Dahil sasabak sa panibagong beaucon ang komedyana at beauty queen na si Herlene Budol, napostpone ang taping ng pagbibidahang teleserye niya kung saan makakasama niya sina Benjamin Alves, Rob Gomez, Adrian Alandy, at marami pang iba.

Rarampa kasi si Herlene sa Miss Planet International sa Uganda sa Africa sa November 19 at nagpapasalamat naman si Herlene dahil sa konsiderasyong ibinigay sa kanya.

"Meron po akong first lead role ever. 'Yong Magandang Dilag na ipapalabas po next year, sa February. Nag-cancel po sila para dito sa Miss Planet International," sabi ng dalaga. "Kinonsider po nila 'yong hindi pang kanila lang kundi pang buong Pilipinas. Kaya po kung sinuportahan tayo ng GMA sana po suportahan din po n'yo ako lahat," dagdag niya.

Nagpasalamat din ang aktres sa pamunuan ng Binibining Pilipinas dahil pinayagan s'ya at ang kanyang team para makapag-compete s'ya abroad.

"'Yong Binibining Pilipinas, binigyan nila ako ng opportunity din. Kasi ginawa ko 'yong best ko nu'ng Binibining Pilipinas [pageant] but my best was not good enough. Charot! Kanta 'yon, e. Gusto ko lang kumanta tayo," sabi ni Herlene.

"Sobrang nakaka-touch 'yong Binibining Pilipinas. Naging stepping stone ko s'ya para maabot ko 'yong Miss Planet International. Kasi kung walang Binibining Pilipinas hindi ko makikilala 'yong Miss Planet International, hindi ako makakapag-ibang bansa, 'di ba?" dagdag pa n'ya

Latest Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph