Rob Guinto, walang takot

May bagong offering ang Vivamax na pelikulang Showroom kung saan bibida ang Vivamax bombshell na si Rob Guinto at kasama rin niya ang aktor na si Kit Thompson na hindi lingid sa lahat ay nasangkot sa kontrobersya noong nakaraan.
Natanong si Rob kung ano ang masasabi niya sa mga intimate scenes nila ni Kit at aminado naman ang dalaga na talagang kinabahan siya noong una dahil masasabi nang may karanasan sa pagsabak sa pelikula.
"Nu'ng una kinabahan ako kay Kit…Kit Thompson 'yon, e. Maayos naman 'yong eksena namin both," sabi ni Rob. "Actually, sobrang bait ni Kit ka-eksena," papuri pa ni Rob sa kanyang co-star. "S'yempre, Kit Thompson…malaking pangalan. Talagang kinabahan din ako na maka-eksena si Kit."
Dagdag pa ng actress-vlogger, hindi umano n'ya inasahan na mabait at palakaibigan pala ang aktor nang makilala na n'ya ito.
"Si Kit okey naman actually katrabaho and hindi ko in-expect na makikilala ko pa si Kit nang ganu'n," saad n'ya.
"Sobrang friendly ni Kit sa amin and bawat eksena namin talagang nagtulungan din kami kung paano namin maisasalba ang eksena na 'yon… Nagtutulungan kami lalo na du'n sa eksena namin na nakita n'yo sa trailer. Medyo challenging," natatawang sabi pa n'ya.
Samantala, mabubusog daw ang mga mata at imahinasyion ng audience sa kuwento at mga eksena sa bago nilang pelikula dahil tinodo raw niya ang pagpapaka-daring dito lalo na sa mga ekena nila ni Kit.
"Ito talaga 'yong pinaka-daring na eksena na ginawa ko…kasi meron nga ditong eksena na nakita n'yo doon sa trailer. Medyo challenging 'yong nangyari sa amin doon sa eksenang 'yon kaya abangan n'yo," sabi ni Rob.
