
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Inirekomenda ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Sabado kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magdeklara na ng national state of calamity ng isang taon dahil sa patuloy na pananalasa ng bagyong Paeng sa bansa.
Ayon kay NDRRMC executive director Raymundo Ferrer, 16 sa 17 rehiyon ay classified na nasa high risk dahil sa pagbaha at landslides na idinulot ng bagyo.
"The Philippines should declare a national state of calamity due to the effects, damage and projected impacts by Severe Tropical Storm Paeng for a period of one year, unless earlier lifted," saad ni Ferrer.
Inirerekomenda rin ng NDRRMC na dapat ay tanggapin rin ng pamahalaan ang kahit anong international assistance na ipaaabot sa bansa habang nagpapatuloy ang pananalasa ng bagyo.
Samantala, sinabi ng Pangulo na hihintayin niya ang opisyal na resolusyon ng NDRRMC na kailangang maaprubahan niya bago magdeklara ng state of calamity.
"Sabagay madaming regions ang affected so that justifies the state of calamity," sabi ng Pangulo.
Samantala, nagkaroon ng landslide sa Barangay Lawaan, bayan ng Paranas, Samar at ayon sa Paranas Municipal Police Station, hindi madaanan ngayong Sabado ng lahat ng uri ng mga sasakyan ang kalsada papunta sa ilang barangay ng bayan ng San Jose De Buan.
Maliban sa makapal na lupa na bumagsak mula sa bundok, mayroon ding malaking bato ang nakaharang sa daan.
Nakipag-ugnayan na ang pulisya sa lokal na pamahalaan ng Paranas at sa DPWH Samar ukol dito.
Patuloy namang nakararanas ng pag-ulan ang mga bayan ng Calatrava at Toboso sa Negros Occidental ngayong Sabado.
Sa Calatrava, naitala ng MDRRMO ang pang-apat na insidente sa pagguho ng lupa sa bahagi ng Barangay San Benito nitong Biyernes ng gabi. Ayon sa residenteng si Princess Gimarangan, natabunan ang bahagi ng manukan ng kanyang tiyuhin at aabot sa 30 na manok ang natabunan.
Nahihirapan pa ang LGU na magsagawa ng clearing operation kaya hindi pa madaanan ng mga motorista ang lugar.

Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

Noong Miyerkules, tinupad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang hangarin na makasama sa pamamahala ng gobyerno…