
Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

Read next

What's your take?
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Continue reading
Nitong nakaraan ay inaprubahan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang rekomendasyon na "optional" o boluntaryo na rin lang ang paggamit ng mask maging sa indoor areas.
Sa inilabas na Executive Order 7, sinasabi doon na "a cpolicy of voluntary wearing of face masks in both indoor and outdoor settings is a step towards normalization and a welcome development that would encourage activities and boost efforts toward the full reopening of the economy."
Pero nakasaad rin sa EO7 na kailangan pa ring magsuot ng mask ang mga nakatatanda, ang mga may comorbidities, immunocompromised, buntis, mga hindi tumanggap ng COVID-19 vaccines, at may sintomas ng COVID-19.
May mga lugar naman na sapilitan pa rin ang pagsusuot ng mask gaya ng mga healthcare facilities, including, but not limited to clinics, hospitals, laboratories, nursing homes, and dialysis clinics.
Kabilang rin ang medical transport vehicles, such as ambulances and paramedic rescue vehicles, at public transportation by land, air or sea.
Nanawagan din ang Pangulo na patuloy na sundin ang mga health protocol gaya ng good hygiene, laging maghugas ng kamay, physical distancing, at maglagay ng mahusay na ventilation o daloy ng hangin sa mga indoor setting.
Kasama rin sa mga iniutos ng Pangulo sa mga lokal na pamahalaan na kailangang regular na magsumite sa Department of Health ng kani-kanilang vaccination status.
Hinihikayat ang mga lugar na nasa low risk classification ng COVID-19 pero nasa Alert Level 2 status dahil sa bigong mamit ang vaccination targets, na paigtingin ang kanilang vaccination at booster coverage.
Una rito, nagpalabas si Marcos ng EO No. 3 noong September 12, na pinapayagan na ang boluntaryong pagsusuot ng face mask sa outdoor areas.
Nitong Miyerkules, nanawagan si Dr. Anna Ong-Lim of the DOH Technical Advisory Group Pediatric Infectious Diseases, na patuloy na magsuot ng face mask ang mga estudyante sa face to face classes.
Ang kautusang ito ng Pangulo ay maaaring senyales na nga na unti-unti nang nanunumbalik ang normal na pamumuhay sa bansa.
Pero kailangan pa rin ng pag-iingat dahil hindi pa rin nawawala ang pandemya.