
Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

Read next

What's your take?
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Continue reading
Pinatunayan ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo na talagang may puso siya para sa mga nangangailangan nang tulungan at patuluyin sa kanyang bahay sa Bonifacio Global City (BGC) ang ilang drag queens mula Baguio City na na-scam o naloko ng kanilang dapat ay rerentahang lugar.
Lumuwas pa-Maynila ang mga drag queens para sa isang drag queen competition na gaganapin sa BGC at naging viral sa social media ang post ni Peabo Bryson Orilla na nananawagan ng tulong dahil wala raw matuluyan ang mga drag artists.
"BGC area! Mabuhay! Yung Baguio Queens kasama yung reigning queen na scam ng AirBnB nila. Walang matuluyan kahit pag-aayusan lang for Drag Cartel mamaya. They need help," saad ni Rabiya.
Agad namang umaksyon si Rabiya at tinanong sa comment, "Ilan po sila?"
Sumagot naman diyan ang isa sa mga na-scam at sinabing lima raw sila.
Reply ni Rabiya, "They can stay at my place sa bgc. Not that big pero they are welcome po."
Matapos ang isang oras, muling nag-update si Peabo sa facebook at ibinandera ang isang video na makikitang kasama na nila si Rabiya sa kanyang bahay.
Sey pa sa post, "UPDATE!!! Safe na sila!!! Thank You Rabiya Mateo for the help."
Dahil diyan, maraming netizens ang naantig sa ipinakitang kabutihang loob ni Rabiya.
Matatandaang nitong Oktubre lang nang ma-feature ang life story ni Rabiya sa real-life anthology drama na "Magpakailanman" at dito niya naikwento ang ilan sa mga pinagdaanan niya bago ang kanyang pagpasok sa Miss Universe.