
Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

Read next

What's your take?
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Continue reading
Isang magandang balita ang matatanggap ngayon ng mga pamilya ng mga overseas Filipino workers (OFW) na matagal nang naghihintay ng kanilang mga balikbayan boxes na natengga sa Bureau of Customs (BoC) matapos ianunsyo ng ahensya na ang nasa 4,800 na inabandonang balikbayan boxes ang libreng ihahatid mismo sa pamilya ng mga OFWs na nagpadala nito, at hindi na kailangan pa na sila ang kukuha.
Sinabi ng BoC na target nila na mai-deliver ang nasabing packages bago sumapit ang Pasko at paliwanag ng ahensya, isang linggo ang inaasahang delivery period para sa mga balikbayan boxes patungong Metro Manila.
Para sa Luzon naman, isa hanggang dalawang linggo ang aabutin at dalawa hanggang apat na linggo naman para sa mga packages na ihahatid sa Visayas at Mindanao.
"Bago po mag-Pasko titiyakin namin na nasa kanila na 'yung boxes nila," saad ni BoC director Michael Fermin.
Ayon sa tala ng BoC, nasa 4,800 ang mga nasabing balikbayan boxes na inabandona ng mga forwarding companies at sa nasabing bilang, 80 percent ng mga kahon ay galing sa United Arab Emirates (UAE).
Kung tutuusin, hindi na dapat makukuha ng mga pamilya ng OFW ang mga padala dahil hindi nabayaran ang buwis ng mga ito at ilang beses na raw nangyari ang ganitong modus operandi ng ilang tiwaling forwarding companies.
Kaya hinirit ng BoC, hinimok nila ang Department of Trade and Industry na ibalik ang listahan ng blacklisted na mga forwarding companies.
Ayon sa BOC, mahigit limang milyon na balikbayan boxes ang ipinadala sa bansa noong 2021 at inaasahan ng Customs na dodoble ito ngayong taon.
Payo naman ng BoC sa mga OFWs, i-check muna sa kanilang website at sa DMW kung accredited ang forwarding companies na kanilang pagkakatiwalaan upang masiguro na makakarating sa pagbibigyan ang kanilang mga ipapadala.
Kung matutupad ng BoC ang kanilang pangako na maipadala ang lahat ng inabandonang balikbayan boxes, talagang magiging maaga ang Pasko ng mga pamilya ng mga OFWs.
Sana lamang ay maisakatuparan nila ito ng maayos.