
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Iniulat ng Municipal Disaster and Risk Reduction Management Office na nasa lampas 900 katao ang inilikas mula sa kanilang mga kabahayan sa Balete, Aklan matapos umabot ng lagpas bubong ang baha dahil sa malakas na ulang dala ni tropical storm Paeng.
Sinabi MDRRMO Balete OIC Hera Grace Jimera, ito umano ang unang beses na nangyari ang pagtaas ng baha na umabot hanggang bubong ng mga bahay.
"Lagpas bubong ng kabahayan. Ngayon lang talaga sa buong buhay namin dito," saad ni Jimera.
Dagdag pa niya, wala pang kuryente sa Balete at gumagamit lang ng generators ang ilang kabahayan at walang naitalang casualties sa pagbaha matapos ilikas ang 915 katao sa mga mabababang lugar.
"Mabilis lang po ang paghupa pero nag high tide ulit kagabi kaya tumaas ulit," saad ni Jimera. "We are providing their meals. May stockpiling kami sa (local government unit). Kapag uuwi na sila, binibigyan namin ng foodpacks."
Plano namang magrekomenda ng state of calamity ng mga opisyal dahil sa tindi ng baha.
Samantala, nagsimula nang sumungit ang panahon sa Batangas dahil kay bagyong Paeng kaya maraming mga pasahero ang nagmadaling makasakay ng barko pauwi sa Abre de Ilog, Occidental Mindoro, Calapan City at Puerto Galera.
Pero bago mag-11 a.m. isinara na ng Philippine Ports Authority ang gate ng Batangas Port at itinigil na rin ang pagbebenta ng ticket. Umalis na ang huling biyahe ng mga barko patungo sa Mindoro nitong 11 a.m.
Wala na ring natirang mga pasahero sa loob ng passenger terminal.
Ayon sa pamunuan ng Batangas Port, kapag may mga dumating na mga pasahero ay papauwiin na nila.
"Pababalikin natin sila sa kanilang point of origin, makikiusap tayo mayron naman tayo coordination sa local na pamahalaan, mayroon silang evacuation center kung maari nilang i-accommodate," sabi ni port manager Joselito Sinocruz.
Pinaalis na rin ang mga empleyado ng pantalan para sa kanilang kaligtasan dahil sa inaasahang pagtama ng bagyong Paeng.

Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

Noong Miyerkules, tinupad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang hangarin na makasama sa pamamahala ng gobyerno…