Marine pollution exercise inilunsad

Naglunsad ang Philippine Coast Guard (PCG) ng kauna-unahang local Marine Pollution Exercises sa bansa na ginanap sa Manila Bay at ipinakita nito ang kasanayan ng PCG sa search and rescue operations, firefighting, at oil spill response.
Iba't ibang government agencies gaya ng Department of Transportation, Office of Civil Defense, PNP Maritime Group, at Bureau of Fire Protection ang lumahok rin sa nasabing exercise.
Nagsagawa rin ang PCG ng search ng rescue operation gamit ang walong vessels at isang chopper.
Ayon kay PCG Commandant Admiral Artemio Abu, mahalaga ang naturang aktibidad bilang paghahanda sa pagresponde sa mga posibleng sakuna sa karagatan.
Pagkakataon din ito para makita ang mga dapat ma-improve sa kanilang pagresponde lalo't nakasalalay ang kaligtasan ng mga sakay ng mga sasakyang pandagat maging ang pangangalaga sa kalikasan.
Kung matatandaan, ipinakita na ng PCG ang kakayanan nito nang idineploy nito ang BRP Teresa Magbanua (MRRV-9701) para sa unang misyon nito sa Makassar, Indonesia kung saan lumahok ito Regional Marine Pollution Exercise 2022 mula May 22 hanggang 29 nitong taon.
Kalahok sa naturang maritime exercise ang PCG counterpart mula sa mga bansang Indonesia at Japan.
Bukod sa BRP Teresa Magbanua (MRRV-9701), ide-deploy din ng PCG sa naturang pagsasanay ang BRP Gabriela Silang (OPV-8301), BRP Malapascua (MRRV-4403) at BRP Cape Engaño (MRRV-4411).
Kasama ring sumakay sa barko ang nasa 1,325 trainees na sasailalim sa Coast Guard Non-Officer's Course at ihahatid sa Coast Guard Regional Training Centers in Taguig, La Union at Zamboanga.
