
Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

Read next

What's your take?
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Continue reading
Hindi maikakaila ang panganib na dala ng coronavirus disease sa bansa, lalo na nang magsimula na itong kumalat at kumitil ng buhay.
Ibayong hirap ang dinanas ng ating mga kababayan dahil karamihan ay nawalan ng trabaho at natakot nang lumabas.
Pero pagkatapos ng dalawang taon, nagsisimula nang muling bumangon ang ekonomiya dahil sa pagbubukas at pagluluwag ng mga itinalagang health and safety protocols ng pamahalaan.
Naging malaking bahagi rin ang pagkakaroon ng bakuna sa bansa dahil nabigyan ng proteksyon ang mga mamamayan laban sa nakamamatay na sakit.
Pero bukod sa banta ng COVID-19 pandemic, mayroon pa ring ibang mga banta ng sakit lalo na sa mga bata.
Nitong nakaraan kasi, iniulat ng Department of Health na nasa tatlong milyong bata umano ang nanganganib na makapitan ng measles o tigdas, kaya naman nananawagan ngayon ang mga health experts na pabakunahan na ang kanilang mga anak laban sa tigdas.
Ayon kay Manila Doctors Hospital pediatrician Dr. Cynthia Cuayo-Juico, kailangang magpabakuna ang mga batang eight months pataas upang mapigilan ang pagkahawa ng tigdas.
Ang tigdas ay isang sakit na lubhang nakahahawa dulot ng measles virus at kabilang sa mga sintomas ng tigdas ay lagnat, conjunctivitis, o pamumula ng mata, ubo, sipon at mapupulang pantal o rashes.
Ang sakit na ito ay maaaring magdulot ng mga komplikasyon katulad ng pneumonia, pamamaga ng utak o encephalitis, iba pang komplikasyon kagaya ng malnutrisyon at kamatayan.
Base sa huling tala ng DoH, nakapagtala ang bansa ng 467 kaso ng tigdas simula nitong taon. Mas mataas ito ng 203 porsiyento sa naitala noong nakaraang taon na may 154 na kaso.
Kaya ang payo namin sa mga magulang, kailangang siguruhin na mababakunahan ang inyong mga anak laban sa tigdas.
Wala namang mawawala kung susundin natin ito dahil para rin ito sa kapakanan ng ating mga kabataan.
Ibayong pag-iingat pa rin ang kailangan.