

Bumuwelta ang vlogger-comedienne na si Jelai Andres sa isang netizen na umano'y may pagka-"paladesisyon" at sa kanyang FB ay ibinahagi niya ang screenshot ng komento ng netizen sa kanyang post.
Makikita sa screenshot ang mahabang litanya ng netizen sa kanya hinggil sa kontrobersyang kinasangkutan ng kanyang kaibigang sina Zeinab Harake at Wilbert Tolentino.
Kung matatandaan, nadamay ang vlogger sa kontrobersyang kinasangkutan ni Zeinab at Wilbert nang ilabas ng talent manager ang ilang screenshots ng usapan nila ni Zeinab kung saan tinawag siya ng huli na "sabaw".
"Kung tunay mo siyang kaibigan dapat naiintindihan mo siya. Tapos bat ka naman magagalit [na] sinabihan ka ng pinakasabaw… Hala teh ikaw ata lutang ano nangyayare, e klaro nga lutang kayong lahat pero mas ikaw lang pinakalutang. At bakit di lang naman kayo ang lutang madami naman halos lahat ng tao lutang. Jusko para yan lang na salita. Partida na post partum pa yung nung sinabi nya yan.
Sabagay di ka makakarelate ng pod kasi di ka naman nanganak," sabi ng netizen kay Jelai.
Paglilinaw ni Jelai, hindi siya galit sa magkabilang kampo at wala siyang inaaway sa mga ito.
"Hala teh ikaw ata lutang ano nangyayare sayo? Nagagalit ba ko? San mo nakuha yan? Ok na ok po ako wala akong inaaway. Love love lang gusto ko. Wala akong galit both sides," sabi ni Jelai.
Naguluhan rin ang dalaga dahil hindi niya alam kung bakit galit na galit ito at sinabi pa na hindi siya makaka-relate kay Zeinab dahil wala pa siyang anak.
"Bat tinatalakan mo ko dyan? Dinamay pa neto yung di ako maka relate kasi wala akong anak. Aba ate naman dami kong anak 100 na aso 40 na pusa normal ko lahat inire yon!" sabi pa ni Jelai.
"Pa check ka te baka ikaw binat. Help kita seryoso ko. Masyado kang highblood jan inom ka po kaya pinakuluang bawang na may medyas at tansan. Effective po yun. Ako nga chill lang bakit ka nagagalit sakin may utang po ba ako sayo? Pa albularyo ka kaya te?" dagdag niya.
Samantala, nauna nang humingi ng tawad ang social media influencer na si Zeinab sa lahat ng mga taong nadamay sa samaan ng loob nila ni Wilbert na nauwi sa hindi magandang pangyayari.
Humingi rin ng patawad ang kaibigan ni Jelai sa lahat ng supporters nito na paniguradong nadismaya sa kanyang mga inasal.