

Ibinida ng aktres na si Bea Alonzo sa social media ang bagong apartment na nabili niya sa Madrid, Spain at batay sa mga larawan sa social media, makikita na kasama ng aktres ang kanyang mommy Mary Anne Ranollo at step dad nitong si Dondon na tatay ng half brother niyang si James Carlos na nasa Madrid.
Base rin sa larawan, nasa harap sila ng apartment na nabili ng aktres para sa ina at sa malawak nilang salas.
"I was finally able to show my mom our apartment in Madrid and she was so happy! Ang dami nya nang plano on how to fix the place. I am so grateful I get to share this moment my mom. Pangarap ko lang to eh. Yakapin n'yo naman nanay n'yo para sa akin," sabi ni Bea sa kanyang caption.
May mga ulat din na kumalat na umano ang balitang nakabili na ng apartment sa Madrid ang aktres kaya naman may mga Pinoy sa Madrid na nag-aabang umano kung lalabas ang aktres sa nasabing bahay.
Ang inaabangan pa ng mga kababayang Pinoy sa Madrid ay kung saan mamimili ng mga muebles niya si Bea para kunan din nila ng larawan.
As of now ay wala pang balita kung nakapamili na sina Bea at mommy Mary Anne nito ng mga gamit nila sa bahay.
Base rin sa iba pang post ni Bea ay ipinasyal niya ang ina sa magagandang tanawin sa Madrid.
"Spent the day in Burgos on the way to San Sebastian from Madrid. Beautiful place," sabi ni Bea.