SUBSCRIBE NOW
SUBSCRIBE NOW

Toni Fowler, napatawad na si Zeinab

Toni Fowler, napatawad na si Zeinab
Published on: 

Tuluyan na palang napatawad ng vlogger at social media influencer na si Toni Fowler ang kapwa niya vlogger na si Zeinab Harake matapos ang sigalot na nangyari sa dalawa kaugnay sa mga patutsada umano ni Zeinab sa ilang YouTube vloggers.

Sa kanyang vlog, sinabi ng dalaga na pinatatawad na rin daw niya ang kapwa vlogger matapos mag-sorry sa lahat ng pinagsasabi nitong kanegahan tungkol sa kanya at sa iba pang sikat na YouTubers.

Kabilang na nga riyan ang pagtawag ni Zeinab kay Toni at sa kanyang pamilya ng "trash", base sa mga screenshot na ibinahagi ng talent manager-businessman at vlogger din na si Wilbert Tolentino.

Nagsimula ang isyu sa cryptic message ni Zeinab tungkol sa isang taong "traydor" at "user." Feeling ni Wilbert, siya ang tinutukoy ng dalaga kaya nag-post din siya sa social media ng tungkol sa taong "bait-baitan sa harap ng kamera kahit attitude in real life at higit sa lahat user."

At nito ngang Lunes, muling nagsalita si Toni at sinabing nag-sorry na si Zeinab sa kanya at sa kanyang pamilya.

"Tama na tayo sa mga chismis, guys. Tapos na yun. Actually, pangit din naman yung ginawa ko kasi sinabihan ako ng hindi maganda tapos nagsabi rin ako ng hindi maganda. Kasi alam niyo, minsan talaga pangit man pakinggan, pero kailangan pinapaalala mo rin sa ibang tao na tao ka lang din, ganu'n lang yun. Pero siyempre, ang ending naman nito ay magpatawad. Siyempre, humingi ng tawad ulit," sabi ni Toni.

"Isipin niyo yun, ha. After kong magsalita sa Live kagabi, after kung anu-ano yung sinabi ko na masakit at totoo, sinabi ko yun, nagpahiya rin ako ng tao kasi pinahiya rin yung pamilya ko. After kong sabihin yun, ang naging message pa rin ni Zeinab… para sa pamilya ko ay sorry. So, sa part na yun, thumbs up talaga ako kay Zeinab dahil kahit napahiya ko siya, hindi pa rin siya nagpaandar ng pride. Gumanti ako, e, nagpadala ako sa nararamdaman ko, pero humingi pa rin siya ng tawad sa aming lahat. So, ako, okay na ako du'n, wala na akong hate. Ako pa ba? Sa lahat ng magagawan mo ng mali, ako pa ba? Madali akong kumalma at magpatawad," dagdag niya.

Latest Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph