SUBSCRIBE NOW
SUBSCRIBE NOW

Sophie Albert, hands-on sa kanyang kasal

Sophie Albert, hands-on sa kanyang kasal
Published on: 

Hands on ang aktres na si Sophie Albert sa nalalapit na kasal nila ng aktor na si Vin Abrenica at ito nga ang ipinasilip nila sa kanilang latest vlog sa YouTube.

Aminado ang aktres na hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na ikakasal na sila ni Vin at ibinahagi nila ang ilang importanteng detalye si Sophie tungkol sa gaganaping wedding nila ni Vin sa kanilang supporters at social media followers kamakailan.

Mapapanood sa video ang pagpi-fitting ni Sophie ng gown pati na ang pagsusukat nila ni Vin para sa kanilang custom wedding shoes. Naroon din ang eksena kung saan pumipili naman naman sila ng wedding ring.

"We still have a few months to go. We still have a long way to go. Until now, hindi pa rin siya (kasal) nagsi-sink in. I don't know. Honestly kasi, our wedding it's just going to be like a celebration," saad ni Sophie.

Ayon pa sa aktres, kahit daw ikasal na sila ni Vin ay wala naman daw siyang ine-expect na pagbabago sa pagsasama nila bilang partners in life. Pero feeling niya, mas marami pa silang pagdaraanang challenges bilang married couple and as parents.

"It's not going to change anything 'cause we're already a family, we already live together. It's mostly just like celebrating the love that we already have. Our lives aren't going to change after the wedding, we're still gonna come home to the same house," sabi pa niya.

Isa pa raw sa nakakapag-excite sa kanya ay ang paggamit ng last name ni Vin pagkatapos nilang ikasal.

Gusto na raw niyang marinig ang pagtawag sa kanya ng Mrs. Abrenica pati na ang pagsusulat nito sa mga mahahalagang dokumento.

"Our situation doesn't really change anything, my daughter (Ava) has Vin's last name already, parang what's exciting lang is for me to have the same last name as my daughter and Vin. That's what I'm excited about," sabi pa ni Sophie.

Latest Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph