
Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

Read next

What's your take?
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Continue reading
Ngayong nalalapit na ang pagpapatupad ng voluntary mask-wearing sa indoors o sa loob ng mga establisiyemento, may ilang mga grupo at health workers ang nangangamba na baka umano maging sanhi ito nang panibagong pagdami ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon sa Alliance of Health Workers (AHW), ang bagong mandato ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay maaari umanong maging sanhi nang pagdami pa ng kaso ng COVID-19 lalo na ngayong naglalabasan na ang mga Omicron subvariants.
Sinabi ni AHW president Robert Mendoza na tutol sila sa ipapatupad na panukala kaugnay sa pagsusuot ng masks sa loob ng mga establisiyemento.
"Tutol tayo diyan, 'yung optional na pagtanggal ng mask sa indoor, dahil alam natin may mga bagong variant ng omicron," sabi ni Mendoza sa isang panayam.
Paliwanag niya, mayroon na umanong local transmission ng XBB subvariant at XBC variant sa bansa.
Ang XBC – na isang recombinant ng omicron BA.2 at delta (B.1.617.2) variant – ay kumitil na umano ng limang buhay.
"Sa amin, hindi padalos-dalos sana ang ating pagsasabi ng ganiyan dahil alam natin kung meron lang free mass testing, siguro hindi lang ito ang datos na nakukuha natin," sabi pa ni Mendoza.
"Dito kasi sa 'tin, once magkaroon na naman ng surge, imagine 'yung last time, 'yung last year, 'yung talagang dumami, hirap na hirap 'yung ating health workers, pagod na pagod dahil kulang ang ating manpower," saad pa niya.
Kung matatandaan, sinabi ni Tourism Secretary Cristina Frasco na plano na ng pamahalaan na gawing mandatory na lamang ang pagsusuot ng masks indoors.
"The overarching direction of the Marcos administration is to allow our country to convey an openness and readiness to the world, to receive tourists and investments so that we could give our fellow Filipinos an opportunity to regain all the livelihood and losses that were incurred during the pandemic," sabi ni Frasco sa isang naunang pahayag.
Ayon pa sa kanya, ang mga hindi pa nababakunahan, persons with comorbidities at mga senior citizens ay "highly encouraged" na magsuot ng masks.
Kung iisiping mabuti, ang pagtatanggal ng masks ay matagal nang iminumungkahi ng pamahalaan, subalit hindi maiaalis ang takot sa ating mga kababayan na mahawahan ng nakamamatay na sakit.
Kaya dapat pag-isipan nang mabuti ng pamahalaan ang pagpapatupad ng voluntary mask-wearing.